PINAALALAHANAN ng environmental group na EcoWaste Coalition ang mga mamimili na maging maingat sa pamimili ng mga laruang ipanreregalo sa mga bata sa darating na Pasko.
Ayon kay kay Thony Dizon, chemical safety campaigner ng grupo, may mga laruang nagtataglay ng mga sangkap na mapanganib sa ka lusugan ng mga bata, at mga laruang hindi angkop sa bata base sa kanilang mga edad kaya dapat na suriin ang mga patnubay sa packaging nito.
May mga laruan umanong nagtataglay ng nakalalasong kemikal gaya ng cadmium, lead, at mercury at choking hazard o mga maliliit na laruan na posibleng malunok ng mga paslit.
May mga laruan din na maaring makahiwa sa bata dahil sa matatalas na bahagi nito.
Pinag-iingat din ang mga magulang sa mga laruang maaaring makabigti dahil sa taglay na kable o lubid at makatusok sa mga mata.
Higit sa lahat ay pinaalalahanan din ang mga magulang na patnubayan ang mga anak sa paglalaro.
Comments are closed.