NGAYONG pumasok na ang ‘ber months’ muling binuhay ng isang environmental group ang kampanya para proteksiyunan ang kabataan laban sa mga laruan na nagtataglay ng nakalalasong kemikal.
Iginiit ng EcoWaste Coalition na responsibilidad ng toy industry na siguraduhing ligtas at non-toxic ang mga laruan na ibinebenta sa toy stores maging sa online shopping platform.
Ayon kay Thony Dizon, Chemical Safety Campaigner ng grupo, dapat umaayon sa pinakamataas na pamantayan sa kaligtasan at kalidad ang mga laruan na nasuri ng government regulators.
Sa ginawa nilang test buys ay may nakita pa rin silang mga laruan na may taglay na hazardous chemicals.
Enero ng taong ito nang magpalabas ng public health warnings ang Food and Drug Administration (FDA) tungkol sa mga nakalalasong laruan na mapanganib sa kalusugan ng kabataan. NENETH VILLAFANIA
Comments are closed.