ISANG privately commissioned survey ang lumabas nitong Mayo 3 na ginawa mula April 29 hanggang May 1 ang nagpapakita ng tiyak na pagkapanalo ni Konsehal Enzo Oreta laban sa kanyang katunggaling si dating vice-mayor Jeannie Sandoval para mayor ng Malabon City. Sa nasabing survey, nakakuha si Oreta ng 65% samantalang si Sandoval ay nakatanggap lang 35% preference. Ang survey ay may 1,200 respondents at mayroon lamang 2.3% margin of error.
Si Oreta ay nasa kanyang pangalawang sunod na termino na bilang konsehal at inihalal bilang number 1 sa naturang puwesto sa district 2 ng Malabon noong 2019. Siya rin ay naglingkod bilang ex-officio member ng City Council pagkatapos mahalal bilang SK President ng naturang ding lungsod.
Si Sandoval naman ay naglingkod bilang vice-mayor pero inilampaso noong nakaraang eleksyon sa lamang na higit 45,000 na boto ng kasalukuyang Malabon City Mayor Lenlen Oreta. Kasabay rin natalo ni Jeannie Sandoval ang kanyang asawa na si Ricky Sandoval bilang re-electionist na kongresista sa mga kaalyado ng mga Oreta na si Rep. Jaye Lacson-Noel na inaasahan din magwawagi muli laban kay Ricky Sandoval kasama ang katambal ni Oreta na vice-mayor at re-electionist na si Ninong dela Cruz.