ENZO PINEDA INAMIN NA PINAKA-DARING ANG GINAWA NIYA SA ‘MALAMAYA’

INAMIN at hindi itinago ni Enzo Pineda na nag-audition siya sa pelikulang  hotshotsMalamaya bilang si Migs na ang tema ng movie ay May-December  love affair. Main-love siya sa artist na ginagampanan ni Sunshine Cruz.

Ayon kay Enzo, may mainit na love scene sila ni Sunshine sa movie  at hindi niya ikinaila na tinablan siya sa kanilang love romansahan.

“Normal  lang naman  iyon kasi lalaki  tayo pero ako naman pag work, work  talaga. Walang malisya,”  aniya.

“At saka, very professional kasi si Miss Shine. Very open siya at collaborative sa mga eksena namin. Hindi siya madamot. Kapag kailangan  ko ng tulong  sa mga eksena , lagi siyang sumusuporta,” say pa ni Enzo.

Sabi pa ni Enzo, ang role niya raw sa Malamaya ang pinaka-daring  na kanyang ginawa sa isang pelikula.

‘Aside sa mga love scenes, may mga ipakikita  akong  parts of my…but  this is an artistic  film,” pagtatapos ni Enzo.

MOVIE NA  PANG-KABATAAN SEMPLANG; ‘DI BINABAAN ANG PRESYO NG TIKET

HINDI kumita sa ta­kilya ang pelikulang idi­nirek ng mahusay na director na ang tema ng istorya ay pang-kabataan.

Sinisisi  ng insider sa movie industry ang producer ng movie na hindi raw kasi binababaan ang ticket para ma-afford ng mga estudyante na siyang target  viewers ng naturang movie.

Naniwala raw kasi ang producer na tinitilian ang lead actor at maraming  silang followers sa social media ng leading lady, ay sure winner na ito sa ta­kilya.

Ayun, semplang sa takilya ang movie at balitang hindi man lang nabawi  kahit ang puhunan na ginastos sa movie.

Hindi rin naman katiyakan kung sinunod ng producer ang payo ng insider sa movie industry na babaan ang ticket na kikita rin ang pelikula.

Ang sigurado ay tigilan na ang paggawa ng movie na porke sikat at tinitilian ang bida ng movie ay sure winner na ito sa takilya.

Isa pa na nangangamoy na flopsina oras na maipalabas sa mga sinehan ang pelikulang kabaklaan ang tema ng istorya.

Tigilan na kasi paggawa ng kabaklaan movie. Tigilan na rin ang paggawa ng movie na kapritso na lang ng director ang gusto o ilusyon na lang ng director.

Comments are closed.