TUWANG-TUWA ang aktor na si Enzo Pineda na napagtagumpayan ang laban sa coronavirus disease at sa pandemyang ito ay mayroon siyang natutunan.
Sinabi ng aktor na naging mas malapit siya sa Diyos dahil sa kanyang naging karanasan, “God is good,” pahayag nito.
Nangako ang aktor na mas magiging matatag na siya sa isip, sa pisikal at espiritwal.
Ang Panginoon aniya ang nagbigay sa kanya ng panibagong lakas sa buong panahon ng pakikipaglaban niya sa COVID-19.
Pinasalamatan din nito ang kanyang pamilya at ang mga kaibigan na nanatili sa kanila at sa kanyang ama sa pagbibigay ng suporta.
Nagpasalamat din ito sa mga dokto, nurses at mga tauhan ng ospital kung saan siya na-confine.
“Thank you to all the hardworking doctors, nurses, & crew of Cardinal Santos Medical Center who took good care of me and my Dad. Mga bayani kayo and salamat sa lahat ng sakripisyo na ginagawa niyo para sa ating bayan.”
Ang iba pang mga celebrity na gumaling sa nasabing sakit ay sina Sylvia Sanchez, ang komedyanang si Kakai Bautista, Christopher de Leon, Iza Calzado, Michael V, at ang journalist na si Howie Severino.
Nitong Linggo ay gumaling na rin sa COVID-19 ang aktres na si Maureen Larrazabal. Ipinakita pa nito sa media ang certification mula sa laboratoryo na nagpapatunay na siya ay libre na kay COVID-19.
Comments are closed.