EO SA EPEKTIBONG HEALTH PROTOCOLS ILALATAG SA PASAY

SA pagsasailalim ng Metro Manila sa mas mahigpit na general community quarantine (GCQ) na mayroong heightened restrictions hanggang Mayo 31 ay tumatalima ang lokal na pamahalaan ng Pasay sa mga guidelines ng health at safety protocols ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Gayunpaman, sinabi ng Pamahalaang Panlunsod ng Pasayna bilang isang local government unit (LGU) ay minabuti ng lokal na pamahalaan na gumawa ng sarili nilang guidelines na naaayon din naman sa guidelines ng IATF upang maipatupad ng mas maayos at epektibo ang basic health at safety protocols ng IATF.

“Ang ating city council po ay mabilis na nagpulong upang matiyak namin na talagang masusunod ito ng ating mga minamahal na kababayan para na rin sa kanilang kapakanan at kaligtasan,” ayon kay Mayor Emi Calixto-Rubiano.

Sa ilalim ng Executive Order No. 41, ang implementasyon ng mas mahigpit na home quarantine mula Mayo 15 hanggang Mayo 31 ay ipatutupad sa lahat ng kabahayan sa lungsod upang mabawasan ang posibilidad ng hawahan ng coronavirus disease o COVID-19.

Ang pagpapatupad ng naturang ordinansa ay isinagawa upang malimitahan na rin ang kilos ng mga residente sa lungsod katulad na lamang ng pagbabawal sa paglabas ng bahay ng mga indibidwal ng mas mababa ang edad sa 18-taong gulang gayundin ang mas higit pa sa 65-anyos.MARIVIC FERNANDEZ

22 thoughts on “EO SA EPEKTIBONG HEALTH PROTOCOLS ILALATAG SA PASAY”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *