EO SA MANDATORY DISINFECTION AT SANITATION ITINAKDA SA SAN JUAN CITY

FRANCIS ZAMORA

TINATAYANG aabot sa 32 persons under investigation (PUI’s) ang kasalukuyang isinasailalim sa quarantine sa Lungsod ng San Juan makaraang makumpirma rito ang ikalimang kaso ng 2019 Coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.

Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, karamihan sa 32 PUI ay mga tauhan ng mismong ospital kung saan naman naka-confine ang ikalimang pasyente at unang kaso ng local transmission ng COVID-19.

Gayunman, sinabi ni Zamora na wala sa mga ito ang nakitaan ng sintomas ng sakit dulot ng naturang virus

Kaugnay nito, naglabas ng Executive Order 034 si Zamora na nag-aatas sa pamahalaan at pribadong eskuwelahan na magkasa ng mandatory disinfection at sanitation gayundin sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan at pribadong negosyo.

Ngayong araw, sinuspinde ng lokal na pamahalaan ang klase sa lahat ng paaralan sa lahat ng antas sa lungsod ma­ging iyong mga pagtitipon tulad ng seminars, team buildings, atbp. upang maiwasang kumalat pa ang naturang virus. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

2 thoughts on “EO SA MANDATORY DISINFECTION AT SANITATION ITINAKDA SA SAN JUAN CITY”

  1. 223206 124686Can I just now say that of a relief to locate somebody who truly knows what theyre speaking about online. You truly know how to bring a difficulty to light and work out it crucial. The diet want to see this and appreciate this side on the story. I cant believe youre no a lot more popular since you definitely possess the gift. 690305

Comments are closed.