POSIBLENG ilabas na ng pamahalaan sa loob ng dalawang linggo ang Executive Order hinggil sa pagbabawal sa Philippine Offshore and Gaming Operators (POGOs) sa bansa.
Ito ang tugon ni Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) Undersecretary Gilbert Cruz sa tanong ni Senator Win Gatchalian kaugnay sa nasabing kautusan sa pagdinig ng Senate Committee on Ways and Means.
Ayon kay Usec. Cruz, pinaplantsa na lamang ang magiging implementasyon ng nasabing executive order.
Matatandaang inanunsiyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ang total ban sa mga POGOs sa bansa. DWIZ 882