EO SA PRICE CAP SA SWAB TEST INAASAHANG ILALABAS SA SUSUNOD NA LINGGO

SWAB TEST

POSIBLENG ipalabas na sa susunod na linggo ang isang executive order na nagtatakda ng price cap ng RT–PCR [reverse transcription polymerase chain reaction] o swab tests para sa COVID-19, ayon sa Department of Health (DOH).

Sinabi ni Undersecretary Ma. Rosario Vergeire na nagsumite na ang DOH ng proposal para sa EO mula sa  Office of the President para sa suggested retail price (SRP) ng swab tests.

Paliwanag ni Vergeire, sa kawalan ng batas na nagre-regulate sa presyo ng COVID-19 diagnostic methods ay hindi basta makapagtakda ang DOH ng price caps sa mga prosesong ito.

“Itong [EO] po ay hinihintay natin, kasi wala po tayong batas na magsasabi na we can regulate, mayroon lang ho tayo sa gamot at wala tayong para diyan,” sabi pa niya.

Nagsasagawa, aniya, ang DOH ng price surveys sa iba’t ibang laboratoryo para malaman ang price ranges.

Early this week, Malacañang raised the possibility that President Rodrigo Duterte will impose a price cap on RT-PCR or swab tests for COVID-19.

Nauna nang nagsumite ang DOH ng rekomendasyon sa Office of the President na magpatupad ng SRP sa harap ng magkakaibang testing cost sa iba’t ibang  laboratoryo sa bansa.

Comments are closed.