EO VS MONEY LAUNDERING NILAGDAAN NI DIGONG

duterte-5

ISANG Executive Order ang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte  na naglalatag ng four-year strategy laban sa  money laundering at countering terrorism financing.

Ang Executive Order No. 68  ay nagtatakda ng pagtatatag ng National Anti-Money Laundering and Countering the Financing of Terrorism Strategy (NACS) 2018-2022.

Kaugnay nito ay inatasan ang mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno na ipatupad ang NACS para sa implementasyon ng mga plano at programa na posibleng may mala­king epekto sa  AML/CFT efforts ng gob­yerno.

Nakasaad din sa nabanggit na EO ang pagtatatag ng National AML/CFT Coordinating Committee (NACC) na siyang mangunguna sa inter-agency coordination na nakatutok sa development ng pambansang politika ng AML/CFT alinsunod sa mga batas at international standards ng  AML/CFT.

“It shall also “champion” the implementation of the NACS 2018-2022 and provide directives to relevant agencies on major issues on the implementation of the strategy,” ang sabi pa sa EO.

Ang komite ay pamumunuan ng Executive Secretary o sinumang kanyang awtorisadong kinatawan habang tatayong  vice chairman naman  ang Bangko Sentral ng Pilipinas Governor at AMLC chairperson.

Ang ibang miyembro ay kinabibilangan ng  secretaries ng Departments of Foreign Affairs, Department of Finance, Department of Justice, Department of National Defense, Department Interior and Local Government, Department of Trade and Industry, chairperson ng Securities and Exchange Commission, Insurance Commissioner, chief executive officer at chairperson of the Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor), administrator ng  Cagayan Economic Zone Authority at presidente ng  Aurora Pacific Economic Zone and Freeport Authority.

Ang Anti Money Laundering Council ang magsisilbing secretariat ng NACC na naatasang mag-organisa ng iba’t ibang  sub-committees na magpapatupad ng mga babalangkasing specific strategic objectives at relevant action plans ng NACS.    EVELYN QUIROZ

One thought on “EO VS MONEY LAUNDERING NILAGDAAN NI DIGONG”

Comments are closed.