APRUBADO na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ang P25 na karagdagang
arawang sahod para sa minimum wage earner sa National Capital Region (NCR)
Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III, ang wage adjustment para sa non-agricultural workers ay inaprubahan ng RTWPB, sa pamamagitan ng Wage Order No. NCR-22.
Magiging epektibo ang panibagong umento sa sahod, 15 araw matapos na mailathala ang naturang kautusan sa mga pahayagan.
Sinabi ni Bello na sa kabuuan ay tatanggap ng hanggang P537 kada araw ang minimum wage ng NCR workers.
“Upon effectivity of the Wage Order No. NCR-22, the new minimum wage rate in Metro Manila shall be P500 to P537 across different sectors,” ani Bello.
Sa kasalukuyan, ang actual basic wage para sa NCR ay P502 plus P10 COLA o kabuuang P512.
Nabatid na bukod sa NCR ay nagtaas na rin ng P12 hanggang P20 na sahod sa Mimaropa (Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan) at sa Region 2 (Ilocos Region), na mayroon namang P10 umento at P10 COLA. ANA ROSARIO HERNANDEZ.
Comments are closed.