(Epektibo na bukas; panghuli na para sa taon)TAAS-PASAHE SA PUVs

LTFRB-1

TINIYAK ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga mananakay na ang inaprubahang fare hike, na epektibo bukas, Oct. 3, ay huli na para sa taon.

“When we tried to compute the fare hike, we saw that we don’t have to raise the fares so often. I think this is the last that you’re [going to] see for the year even if the fuel price will really move up,” pahayag ni LTFRB board member Riza Paches sa CNN Philippines’ The Exchange.

“[W]e didn’t just look at one-time increase but it’s a periodic increase between 0-8 months, so I think if you really see a fare increase in the near future, it’s going to be earlier than 1 year,” dagdag pa niya.

Ikinatuwa ito ng isang commuter group at sinabing umaasa sila na ang susunod na pagtaas ay makalipas ang isang taon, sa harap ng bumababang presyo ng petrolyo.

“[H]opefully, it will continue to fall down, and the effects of falling oil prices will be also passed on to us commuters,” wika ni Commuters of the Philippines chairman Julius Dalay.

Samantala, binalaan ng LTFRB ang public utility vehicle drivers at operators laban sa pagtataas ng pasahe nang walang bagong matrix. Bagaman mayroon sila hanggang nitong Sabado para kumuha ng matrix, sinabi ng ahensiya na tatanggap pa rin sila ng aplikasyon paglagpas ng Oct. 3.

Nagbabala si Paches na ang mga hindi susunod sa fare matrix ay pagmumultahin ng ₱5,000 para sa first offense, ₱10,000 at 30-day suspension ng prangkisa para sa second offense, at ₱15,000 at kanselasyon ng certificate of public convenience para sa third offense.