ISUSULONG ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagwalis nang tuluyan o total ban sa mga provincial bus sa EDSA sa Enero 2019.
Isa ito sa nakikitang solusyon upang maibsan ang tumitinding trapiko sa EDSA.
Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, nakatanggap na sila ng kautusan mula sa Malacañang para i-ban ang mga provincial bus sa EDSA at nakapaloob dito ang pagpapasara sa kanilang mga terminal epektibo sa Enero.
Kasalukuyang pinag-aaralan ng MMDA na pansamantalang maglagay ng terminal ng mga maaapektuhang bus company sa Valenzuela at sa Sta. Rosa, Laguna habang inaayos pa ang pagtatayo ng permanenteng bus terminals sa Bulacan at sa FTI, Cavite.
Sinabi ni Garcia na hindi nila maipatutupad ang pagsasara sa provincial bus terminals kung walang paglilipatan sa mga ito.
Nakikipagtulungan ang MMDA sa Department of Transportation (DOTr) at iba pang stakeholders ng transportation sector sa total ban ng nasabing mga bus.
Samantala, umapela ang mga bus operator na pigilan muna ang implementasyon ng paggamit ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).
Lahat ng biyaheng Tagaytay, Cavite at Batangas ay sa PITX na ang sakayan at babaan. Hindi na papasok ang mga ito sa Metro Manila.
641944 405985Hey there! Fantastic stuff, please do tell us when you post once again something similar! 348819