(Epektibo sa Hulyo 13) DAGDAG-SAHOD SA KASAMBAHAYS SA METRO

KASAMBAHAY

SIMULA na sa Hulyo 13 ang P1,000 wage hike para sa mga kasambahay sa National Capital Region (NCR), ayon sa National Wages and Productivity Commission (NWPC).

“’Yung wage order ng kasambahay sa NCR ay na-issue na ng regional board noong June 21, at ito ay na-publish kahapon, June 27. So ito ay magkakaroon ng effectivity 15 days after publication. Kung bibilangin natin mula kahapon, ito ay magkakabisa sa July 13,” pahayag ni NWPC Executive Director Criselda Sy sa CNN Philippines nitong Martes.

Sa ilalim ng wage order, ang mga kasambahay sa NCR ay tatanggap ng minimum na sahod na P6,000 kada buwan.

Ayon kay Sy, ang lahat ng emplyers ay dapat sumunod sa wage order.

“Ito po ay vested rights ng ating mga minimum wage (workers), kaya dapat sumunod dito. Kung hindi susunod ang mga employer ay maaari silang mapatawan ng administrative fine,” aniya.

Ang multa ay posibleng mula P10,000 hanggang P40,000, bukod pa sa criminal liabilities.