EPEKTIBONG CODE OF CONDUCT SA SOUTH CHINA SEA  ISUSULONG NI DUTERTE

code of conduct

NANGAKO si Pangulong  Rodrigo Duterte na isusulong ang konklusyon para sa mas epektibong  Code of Conduct na paiiralin sa South China Sea.

Sa  ambush interview sa sidelines ng ginaganap na 33rd Association of Southeast Asian Nations Summit and Related Summits sa Singapore, binanggit ni Pangulong  Duterte ang iringan sa pagitan ng China at iba pang Western countries gaya ng Estados Unidos.

“Everything has been excellent between China and the rest of ASEAN, except for the fact that there’s a friction between the Western nations and China,” wika ni Duterte.

Aminado ang Pangulo na nag-aalala siya  dahil may umiiral na Mutual Defense Treaty (MDT) ang Filipinas sa Estados Unidos.

“You know, because of the treaty I’d like to (tell) China – that is why at all cost, we must have the COC,” giit pa ng Pangulo.

“So you’re there, you’re in possession, you occupied it. Then tell us what route shall we take and what kind of behavior,” sabi pa ng Pa­ngulong Duterte.

Ayon sa Pangulo, nakasaad sa 1951 MDT na ang Filipinas at Estados Unidos ay inaatasang  magkahiwalay man o magkaisa na magtutulungan upang mamantine at ma-develop ang kanilang indibidwal at collective capacity na labanan ang anumang uri ng pag-atake sa kasalukuyan.

“It’s not abrogated. It’s there. And even – I don’t know. It’s the decision of the President, Congress, the Armed Forces,” paliwanag pa ng Pangulo.

Sa kanyang intervention sa ginanap na 33rd ASEAN Summit Working Dinner sa Singapore ay nangakong gagawin ang lahat tungo sa mas mabilis na konklusyon ng epektibong COC sa South China Sea

Ang Filipinas ang siyang country coordinator ng  ASEAN-China Dialogue Relations sa loob ng tatlong taon o hanggang taong 2021.

“We are committed to work with all concerned parties in the substantive negotiations and early conclusion of an effective Code of Conduct,” sabi ng Pangulo.

Pagtitibayin din aniya ang full at effective implementation  ng Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea.

Kabilang din aniya rito ang peaceful settlement of disputes,  excise of self-restraint, at freedom of navigation at overflight alinsunod sa  international law partikular ang  1982 United Nations Convention on the Law of the Sea.

Maliban sa Filipinas, ang iba pang ASEAN members na claimants din ng isla ay ang Brunei Darussalam, Malaysia, at Vietnam.    EVELYN QUIROZ

Comments are closed.