EPEKTIBONG PAGTUGON SA BANTA NG DELTA VARIANT

JOE_S_TAKE

INANUNSIYO kamakailan ng pamahalaan ang planong magpatupad ng circuit breaker lockdown sa loob ng dalawang linggo. Kaugnay nito, simula sa ika-6 hanggang ika-20 ng Agosto, ang National Capital Region (NCR) ay muling sasailalim sa enhanced community quarantine (ECQ). Ito na ang ikatlong beses simula noong Marso 2020 na isasailalim ang Metro Manila sa pinakamahigpit na uri ng community quarantine.

Ang pagpapatupad ng circuit breaker lockdown ay kaugnay sa pahayag ng mga eksperto na muli na namang nagsisimula ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila. Ang rekomendasyon ay bunga rin ng pagkakaroon ng lokal na transmisyon ng mas agresibong Delta variant. Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) noong ika-29 ng Hulyo, umabot na sa 216 ang naitalang kaso nito sa bansa.

Batay sa datos ng DOH noong ika-1 ng Agosto, umabot sa 8,735 ang kabuuang bilang ng naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa. Ito ang nairehistrong pinakamataas na bilang ng bagong kaso sa loob ng isang araw simula noong ika-28 ng Mayo. Ito rin ang ikatlong araw na nagtala ang bansa ng higit sa 8,000 na kaso sa isang araw. Ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa ay umabot na sa 1,597,689. Sa halos 1.6 milyong ito, 63,646 o 4% ang naitalang aktibong kaso. Ito ang pinakamataas na bilang ng aktibong kaso na naitala simula noong ika-7 ng Mayo.

Sa kabila ng pataas na paggalaw ng bilang ng kaso ng COVID-19 nitong mga nakaraang araw, naniniwala ang DOH na walang sapat na ebidensiya na nagkakaroon ng pagtaas sa bilang ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila. Gayunpaman, sumang-ayon pa rin si Health Secretary Francisco Duque III sa rekomendasyon ng Octa Research na kailangang magpatupad ng lockdown upang mapigilan ang pagdami ng kaso.

Bagama’t mainam na maging maagap lalo na’t pagkalat ng Delta variant ang pinag-uusapan, ang muling pagpapatupad ng lockdown ay pansamantalang solusyon lamang. Kung ito ang magiging awtomatikong tugon ng pamahalaan sa tuwing dadami ang kaso ng COVID-19 sa bansa, tila magiging paikot-ikot lamang ang sitwasyon. Ipatutupad ang lockdown upang bumaba ang kaso. Kapag mababa na ang kaso, unti-unting bubuksan ang ekonomiya. Muling magbabalik-operasyon ang iba’t ibang sektor. Bilang resulta ng muling panunumbalik sa operasyon ng mga sektor, maaari na namang tumaas ang kaso ng COVID-19 sa bansa na muling magreresulta sa lockdown.

Ang pinaka-epektibong paraan at mas pangmatagalang solusyon na dapat pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ay ang pagpapabilis ng pamamahagi ng bakuna sa bansa. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na ang bakuna ang pinaka-epektibong paraan upang malabanan ang Delta variant, at ang iba pang uri ng COVID-19 na maaaring kumalat sa hinaharap. Ito ang pinaka-epektibong proteksiyon laban sa virus. Bagama’t maaari pa ring magkaroon ng COVID-19 ang sinumang nabakunahan na, maaasahan namang hindi magiging matindi ang sintomas nito kumpara sa mga indibidwal na walang bakuna.

Mahalaga ring masiguro na ang programang pagpapabakuna ng bansa ay magtutuloy-tuloy sa kabila ng ipatutupad na ECQ sa Metro Manila. Dapat tuloy-tuloy ang supply upang maging tuloy-tuloy rin ang pamamahagi. Ayon sa National Task Force Against COVID-19, ang mga panuntunan ukol sa pagpapabakuna habang ECQ ay nakatakdang ilabas bago ang pagpapatupad nito.

Magandang balita naman na tuloy-tuloy ang pagpasok ng mga dosis ng bakuna sa bansa. Noong nakaraang linggo, dumating ang 2.5 milyong dosis ng bakuna mula Sinovac. Ang mga dosis na ito ay bahagi ng 26 milyong dosis na binili ng bansa sa China. Inaasahan ding papasok sa bansa ang karagdagang dosis ng AstraZeneca na may bilang na 415,000.

Inanunsiyo rin ng White House noong ika-30 ng Hulyo na magpapadala ang US ng 3 milyong dosis ng Moderna vaccine sa bansa bilang donasyon. Ito ay padadaanin sa COVAX, ang kompanyang sumisiguro sa pantay-pantay na access ng mga bansa sa bakuna.

Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez, Jr., umabot na sa higit 32 milyong dosis ng bakuna ang natanggap ng Pilipinas mula sa AstraZeneca, Pfizer, Sinovac, Gamaleya, Moderna, at Johnson&Johnson. Mula sa kabuuang bilang na ito, 27 milyon na ang naipamahagi sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Kasabay ng tuloy-tuloy na pagpasok ng dosis ng bakuna sa bansa, mas pinaiigting pa ng pamahalaan ang pamamahagi nito. Ayon sa Department of Transportation (DOTr), limang pampasaherong bus ang ginawang mobile vaccination clinic para sa pagpapabakuna sa higit 6,000 na empleyado ng sektor ng transportasyon sa lungsod ng Paranaque. Ang programa ay sinimulan noong unang araw ng Agosto sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX). Kabilang sa mga maaaring makatanggap ng bakuna ay ang mga drayber ng pampublikong sasakyan, mga konduktor, at iba pang nagtatrabaho sa sektor na ito.

Ang programang ito ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng Paranaque, DOTr, at ng Mega Manila Consortium Corp. Tatlo sa nabanggit na limang bus ay inilalaan upang mabakunahan ang hindi bababa sa 1,000 indibidwal na nagtatrabaho sa sektor ng transportasyon tuwing Sabado.

Noong katapusan ng Hulyo ay binuksan naman ang driver-thru COVID-19 vaccination site sa Quirino Grandstand. Ang pagpapasinaya sa nasabing vaccination site ay dinaluhan mismo nina Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos at National Task Force against COVID-19 deputy chief implementer Vince Dizon.

Iminungkahi rin ni Interior Secretary Eduardo Ano ang pangangailangan na gawing 24/7 ang pagbabakuna sa Metro Manila upang mas madaling makontrol ang pagkalat ng virus sa lalong madaling panahon.

Pinag-uusapan na rin sa Kongreso ang mandatory COVID-19 vaccination bilang paghahanda rin sa pagkalat ng Delta variant sa bansa. Sa isang panayam ay ibinahagi ni Rep. Elpidio Barzaga Jr. ng Cavite, ang chair ng House committee on natural resources, na nagbigay na ng kumpirmasyon si House committee on health chairperson Quezon Rep. Helen Tan na magsasagawa ito ng pagdinig ukol sa mungkahi sa lalong madaling panahon. Ang HB 9252 ay isinumite ni Barzaga kaugnay sa layunin ng pamahalaan na makamit ang herd immunity para sa populasyon ng bansa.

Nariyan na ang supply ng bakuna. Marami ring magagandang suhestyon at programang naumpisahan ukol sa kung paano mas mapapabilis ang pamamahagi ng bakuna sa bansa. Ito ay maaaring panundan ng ibang sektor at lokal na pamahalaan. Bagama’t epektibong paraan ang pagpapatupad ng lockdown sa pagpapababa ng kaso ng COVID-19, mas epektibo pa rin ang pangmatagalang solusyon na hatid ng programang pagpapabakuna. Kailangan lamang itong gawing mas agresibo upang mas maraming indibidwal ang maging protektado laban sa virus. Kung mas marami na ang protektado laban sa COVID-19, hindi magtatagal, hindi na natin kakailanganing magpatupad ng lockdown na siyang nakakaapekto sa paglago ng ating ekonomiya.

117 thoughts on “EPEKTIBONG PAGTUGON SA BANTA NG DELTA VARIANT”

  1. Thanks alot : ) for your post. I’d really like to write my opinion that the price of car insurance varies from one scheme to another, for the reason that there are so many different facets which give rise to the overall cost. For instance, the brand name of the motor vehicle will have a huge bearing on the charge. A reliable old family car or truck will have a more affordable premium over a flashy sports vehicle.

  2. Furthermore, i believe that mesothelioma is a rare form of cancer that is generally found in these previously exposed to asbestos. Cancerous tissues form within the mesothelium, which is a protecting lining that covers most of the body’s internal organs. These cells typically form in the lining of your lungs, abdominal area, or the sac that really encircles one’s heart. Thanks for expressing your ideas.

Comments are closed.