QUIRINO-INIIMBESTIGAHAN na ng mga kasapi ng Diffun Police Station sa pamumuno ni P/Captain Reynold Gonzales, hepe ng naturang himpilan, ang dalawang lalaki na armado ng baril na kanilang nadakip sa Barangay Andres Bonifacio, Diffun.
Nakilala ang dalawa na sina Danilo Alicon, 54, may asawa, magsasaka , residente ng Ilagan City, Isabela, at si Deo Malinao, 23, may asawa, negosyante at residente ng San Mariano, Isabela.
Ayon kay Gonzales, namataan ng kanyang mga tauhan ang kahina-hinalang kulay gray na sasakyan na walang plaka at buradong conduction sticker na ilang oras na umaaligid-aligid sa kanilang nasasakupan na sinundan ng kanyang mga pulis sa Barangay Andres Bonifacio
Kapansin-pansin na may minamanmanan ang dalawa habang matagal umanong nakaparada sa isang malaking bahay kalakal.
Tinangka umano ng mga pulis na kunin ang pagkakilanlan ng dalawang suspek na lalaking sakay ng sasakyan, subalit akmang bubunot ng baril sina Alicon at Malinao na kaagad naman nilang napigilan ang mga ito.
Sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, sa dalawang pinaghihinalaan idinahilan ng mga ito na may hinihintay lang umano silang isang indibidwal na gusto lamang nilang komprontahin na hindi naman pinaniniwalaan ng mga pulis.
Nang rikisahin ng mga awtoridad ang loob ng sasakyan nakita nila sa loob ng sasakyan ang isang brown leather sling bag laman ang dalawang cal. 45 na may short magazine, 24 live ammunitions para sa caliber 45, limang empty shells ng caliber 45, cash na P28,000 at mga dokumento.
Samantala, nakikipag-ugnayan na ang PNP Quirino, sa mga hepe ng Ilagan City Police Station at San Mariano Police Station sa Isabela, upang malaman ang bakcground ng mga pinaghihinalaan at kung ito ay nasasangkot sa robbery hold-up.
Sinabi pa ni Gonzales na naging mahigpit ang kanilang pagbabantay sa kanilang nasasakupan dahil sa sumbong ng ilan na mayroong indibidwal na nagpapakilalang mga NPA at humihingi ng P100,000 sa mga kilalang mga negosyante sa lalawigan ng Quirino.
Kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) ang kakaharapin ng dalawang suspect. IRENE V. GONZALES
435152 346874Typically I dont read this kind of stuff, but this was truly intriguing! 110629
357338 171163very good post, i surely enjoy this amazing website, persist in it 256285
399613 420922I believe other web site owners really should take this web site as an model, quite clean and excellent user pleasant pattern . 502570