EPEKTO NG ASF SA HOG INDUSTRY MINIMAL LANG

African Swine Fever

NAPAKALIIT lamang sa kasalukuyan ang epekto ng African Swine Fever (ASF) outbreak sa mga piling lugar sa hog industry ng bansa.

Gayunman ay nagbabala ang Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na nananatiling nasa panganib ang Filipinas dahil sa patuloy na pag-angkat ng  meat products.

“So far we reported 7,600 heads out of 12,700,000 heads, so this is around 0.059% of the total,” wika ni SINAG chairman Rosendo So.

Sa report ng World Organisation for Animal Health (OIE)  kamakailan ay lumitaw na 97%  ng mga napaulat na losses sa Asia sanhi ng ASF ay naitala sa Filipinas.

“For now (it has minimal impact), but if we continue to import meat from other countries, we are never safe from ASF coming in to our country,” ani So.

Iniulat ng Department of Agriculture (DA) noong nakaraang linggo na ang blood samples mula sa mga namatay na baboy sa bansa ay positibo sa ASF.

Kasalukuyang ipinagbabawal ng Filipinas ang pag-angkat ng meat products mula sa Belgium, Bulgaria, China, Cambodia, the Czech Republic, Germa-ny, Hong Kong, Hungary, Laos, Latvia, Mongolia, Moldova, North Korea, Poland, Romania, Russia, South Africa, Ukraine, Vietnam, at Zambia. PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.