EPEKTO NG COVID-19: $300-M LUGI SA PH EXPORTS

IMPORTS-EXPORTS

INAASAHANG aabot sa USD300 million ang mawawalang export revenues sa Filipinas makaraang pa­ hinain ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang exports ng China sa intermediate inputs, ayon sa pag-aaral ng United Nations Conference on Trade and Development (UNCTAD).

Sa pag-aaral ng UNCTAD, ang 2-percent reduction ng China exports sa intermediate inputs na isinama sa global value chains ay nakaapekto sa maraming ekonomiya sa buong mundo, kabilang ang Filipinas.

Lumabas sa datos ng UNCTAD na sa mga sektor sa Filipinas, ang communication equipment ang magtatamo ng pinakamalaking lugi na inaasahang aabot sa USD115 million na exports.

Sumusunod ang office machinery, na tinatayang may export reduction na USD77 million; electrical machinery, USD42 million; at automotive, USD22 million.

“Chinese manufacturing is essential to many global value chains, especially those related to precision instruments, machinery, automotive, and communication equipment. Any significant disruption in China’s supply in these sectors is deemed to substantially affect producers in the rest of the world,” nakasaad sa report ng UNCTAD.

Sa kabila nito ay hindi kabilang ang Filipinas sa pinaka-apektadong ekonomiya dahil hinagupit ng COVID-19 ang manufacturing powerhouse.

Sa report ng UNCTAD, ang pinakaapektadong ekonomiya, kung saan ang mga industriya ay umaasa sa Chinese suppliers, ay ang European Union (EU),  United States, Japan, South Korea, Taiwan, Vietnam, at Singapore.

Sa pagtaya ng UNCTAD, ang pagbabawas sa EU exports dahil sa paghina ng Chinese exports sa intermediate inputs ay nagkakahalaga ng USD15.6 billion; USD5.7 billion para sa  US; USD5.2 billion para sa Japan; USD3.8 billion sa South Korea; USD2.6 billion sa Taiwan; USD2.3 billion sa Vietnam; at USD2.2 billion sa Singapore.

“China has become the main supplier of intermediate inputs for manufacturing companies abroad. As of today, about 20 percent of global trade in manufacturing intermediate products originates from China, up from 4 percent in 2002,” nakasaad pa sa pag-aaral.                    PNA

Comments are closed.