EPEKTO NG COVID-19 SA ‘BBB’ MALIIT LANG – DPWH

Secretary Mark Villar

ALIIT lamang ang magiging epekto ng coronavirus pandemic sa ‘Build Build Build’ infrastructure program ng administrasyong Duterte, ayon kay Public Works Secretary Mark Villar.

Ang konstruksiyon ng ilang  infrastructure projects ay nahinto dahil nakatuon ang pamahalaan sa paglaban sa coronavirus 2019 (COVID-19) pandemic ngunit tiniyak ni Villar na matutugunan nila ang deadline.

“Siyempre may kaunting effect dahil hindi kami makakatrabaho, kaunti lang siguro dahil ilang buwan lang,” wika ni Villar sa isang virtual press briefing.

“Sa tingin naman namin, kaya naman namin habulin ‘yung target implementation namin,” sabi pa ng kalihim.

Ayon kay Villar, ang kanyang ahensiya ay kasalukuyang nakatuon sa pag-covert sa convention centers sa massive quarantine facilities para sa COVID-19 patients. Aniya, ang conversion ay inaasahang matatapos sa April 10.

Comments are closed.