INAASAHAN ng Department of Agriculture (DA) na makababawi na ang sektor ng agrikultura sa buwan ng Mayo mula sa bilyon bilyong halagang napinsala dulot ng El Nino phenomenon, sa gitna ng pag-aalala ng mga opisyal ng kagawaran sa food security ng bansa.
Malaki na ang naging epekto ng El Nino o tagtuyot sa bansa, ayon sa DA at tatagal pa ang naturang phenomenon hanggang sa buwan ng Mayo.Para naman mabawasan ang epekto nito sa sekor ng agrikultura, pinagutuunan ng naturang ahensya ang kalagayan ng food security ng bansa.
Bagama umani na nitong buwan ng Marso ang mga magsasaka sa bansa, pangunahin na sa Norte at Central Luzon, marami rin sa magsasaka ang nalugi ang kanilang mga pananim dulot ng tagtuyot sa pagpasok ng taon.
Ayon kay DA Spokesperson and Agriculture Assistant Secretary Engineer Arnel de Mesa, Special Concerns and for Official Development, umaabot na sa P2.76 bilyon na ang inabot na pinsala sa agrikultura sa kita ng mga magsasaka hanggang sa buwan ng Marso.
Pangunahing naapektuhan ng El Nino ay ang mga magsasaka mula sa MIMAROPA Region at Western Visayas. Ayon sa kagawaran ng agrikultura, posibleng umabot ang tagtuyot hanggang buwan ng Mayo.
“Ang inaasahan natin hanggang Mayo ang residual effect ng El Nino.At makaka-recover na tayo dyan sa May kasi ni-report naman ng PAGASA na ‘yung decaying period ng El Nino nag -start na nu’ng March,” sabi ni de Mesa.
“So bumababa na ang epekto sumabay lang sa tag init, pero in terms dun sa tagal, siguro hanggang May,”dagdag ni de Mesa.
Epekto rin ng El Nino, pumalo na sa P28 per kilo ang farm gate price ng palay. Pahirapan naman bilhin ng NFA dahil sa sobrang mahal.
“Sa taas rin ng presyo ng palay ngayon na binibili ng mga traders, hindi masyado makabili yung NFA,” ang pahayag ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.
Bukod sa bigas at palay, isa pa sa pangunahing ipinag-aalala ng DA ay ang may kinalaman sa food security ng bansa.Isinagawa na ng Miyerkoles ng DA ang cluster food security workshop na nagtapos ngayong April 5.
Kasalukuyang tinaralakay sa workshop ng mga taga DA ang kanilang plano sa food security ng bansa hanggang sa ikaapat na taon, kung saan pagtutuunan ng pansin ang may kinalaman sa local production, post harvest, cold storages, a digitalization, kasama na ang layuning mapababa ang presyo ng bigas.
Pagtutuunan din ng pansin ng DA ang irrigation projects, at paglalagay ng solar power irrigation system na malaking tipid dahil wala ng krudong gagamitin para sa makinarya nito. MA. LUISA MACABUHAY-GARCIA