TILA wala na yatang katapusan ang dinaranas na paghihirap ng sambayanan sa hindi mapigilang pagtataas ng presyo ng mga produktong petrolyo na labis na nakaaapekto sa kabuhayan ng bawat pamilyang Filipino.
Sa muling pagsipa ng presyo ng langis kamakailan, asahan ang pagpalag ng publiko at ang pagbabanta ng iba’t ibang transport groups dahil sa magiging domino effect nito sa presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo, at sa pasahe.
Sa ngayon ay walang ibinibigay na paliwanag ang Bureau of Customs (BOC) at ang Bureau of Internal Revenue (BIR) kung saan napupunta ang nakokolektang excise taxes, kung paano ito ginagastos at kung paano nakikinabang sa buwis na ito ang sam-bayanan.
Asahan na ang paggalaw ng presyo ng bigas, sardinas, asukal, mantika, kape at iba pa, kasunod nito ang pagtaas naman sa pasahe sa jeepney, bus, barko at maging sa eroplano.
Ang tanging narinig sa BIR, BOC at sa Department of Finance (DOF) ay: “The Duterte administration collected P152.72 billion in excise taxes in the first half, exceeding the P136.82 bilion target by 11.61 percent mainly due to higher sin tax collections.”
Ayon mismo sa datos ng DOF, ang nasabing koleksiyon ay mas mataas ng 71.43 percent sa P89.09 billion na nakolekta noong nakaraang taon.
Sa nasabing koleksiyon, P112.46 billion ay bahagi ng nakolektang ‘sin tax’ o buwis sa tobacco products at alcoholic beverages.
Hindi pa inilalabas ng DOF ang kabuuang buwis na nakolekta sa pagtaas at pagbaba ng presyo ng petrolyo, kung saan ito ila-laan at kung ano ang magiging pakinabang ng sambayanan sa excise tax na ang pangunahing apektado ay mismong ang mama-mayan.
Mga 20 years ago, sa halagang P1,000 ay marami ka nang mabibili. Kung kasama mo ang pamilya mo, sapat na ‘yon o sobra pa para makapanood ng sine, makapasyal at makakain sa labas.
Subalit sa panahong ito, ang P1,000 ay nagkakahalaga na lamang ng P100 dahil sa sobrang mahal ng mga bilihin, pamasahe at gasolina, at hindi na tugma sa panggastos ng buong pamilya.
Ang masakit, maging ang mga negosyante at ordinaryong taxpayers ay umaangal na rin sa sobrang laki ng buwis na kanilang binabayaran.
Samantala, hindi pa rin maalis ang mga corrupt sa BOC at BIR. Tuloy pa rin ang smuggling activities sa BOC. Hindi pa rin ma-buwag ang sindikatong kumikilos sa Aduana kaya bagsak pa rin ang kanilang tax collections.
Marahil ay panahon na upang ganap na galawin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dalawang nabanggit na ahensiya at mag-sagawa ng ‘total revamp’ upang tuluyan nang masibak ang mga tiwaling opisyal ng BIR at BOC.
Para sa komento o opinyon, mag-text lamang po sa 09293652344/ 09266481092 o mag-email sa [email protected].
Comments are closed.