Ang masamang lagay ng panahon ang dahilan ng pagbagal ng processing sa loob ng pier kaya bumagal ang paglabas ng mga truck mula sa loob ng South Harbour at MICT simula pa kahapon.
“Dahil sa malakas ang ulan at minsan pati ang hangin mula pa kahapon, bumagal ang processing sa loob ng South Harbour at MICT. ‘Di mak-agalaw ibang cranes. Kaya na-delay ang pag-labas ng mga truck (mula sa loob ng pier).” paha-yag ni Philippine Ports Authority General Manager Jay Santiago.
Ayon pa rito, napilay ang port operations sa South Harbor matapos na mapilitang itigil ito.
Napilay rin ang port operations sa Southern Luzon (Batangas, Romblon, Lucena) at iba pang mga pantalan kaya ang mga barko sa pier sa Maynila ay hindi nakapaglayag.
Bunsod nito ay naipon ang mga cargo at container truck sa mga port gates at palibot nito dahilan upang humaba rin ang pila ng mga truck hanggang sa Roxas Boulevard na nakaapekto rin sa iba pang lansangan sa Kamaynilaan.
Inamin ng PPA na ang naranasang matinding traffic sa maraming lansangan sa Maynila ay dahil sa inihintong operasyon sa South Harbour kahapon.
Simula Huwebes ng tanghali ay may mga delay na operasyon.
Ang Manila City Hall ay umayuda sa PPP at MMDA upang mapabilis ang pagsasaayos ng trapiko.
Samantala, nagbanta si Manila Mayor Isko Moreno na ipasasara ang port operations kapag hindi nakasunod ang mga trucker sa traffic regulations ng lungsod.
Ayon sa alkalde, walang dahilan para magnegosyo sa lungsod kung ang epekto naman ay kawawa ang mga taga-Maynila nang dahil sa trapik. VERLIN RUIZ
Comments are closed.