EPEKTO NG KAWALAN NG TUBIG

doc ed bien

TUBEEEG! Mapapasigaw ka talaga kung sa kalagitnaan ng paliligo at may sabon ka pa sa mukha nang biglang huminto ang pagtulo ng gripo. Mas delikado rin kung ikaw naman ay nakaupo sa trono at paglingon mo ay walang tissue! May mga kakilala ako na napipilitang bumili ng mamahaling bottled wa-ter sa groceries para lang panghugas. Kapapasok pa lang ng summer. Pero bakit nagkahihirapan na sa supply ng tubig?

Of course, narito na naman ang walang katapusang probe ‘in aid of legislation’ ng mga mambabatas. Palibhasa, bihira lang na nawawalan ng laman ang mga stainless na tangke nila sa sariling exclusive con-dos. May built-in motor na panghigop at state of the art filtration system para purified, mineralized or distilled pa ang panghugas nila ng private parts.

Nais daw paimbestigahan ng mga opisyal ang biglaang pagkawala ng supply ng tubig sa ilang bahagi ng Metro Manila. Ang water interruption ay nagdulot ng perhuwisyo sa mga residente at mga establi-simiyento, kasama na ang ilang ospital, na ang iba ay napilitan pang magsara. Pero take note, ang golf courses nila ay hindi nauubusan ng pandilig ng damo para manatiling berde ito.

EL NIÑO RAW ANG DAHILAN

Hindi ba’t taon-taon naman ay dumarating ang tagtuyot? Hindi pa ba natuto ang MWSS na ito’y pa-ghadaan? Makikita ninyo sa ilang FB posts na ang mga nakapilang balde ay nagkakasuntukan!

Ayon sa kompanya, bukod sa nararanasang El Niño ay dapat din umanong sisihin ang mga naantalang proyekto na aalalay sana sa dumarami nilang konsumer.

So the problem is kulang ang naipong tubig n’yo at sumobra na ang dami ng tao? Kasalanan ba ng sim-bahan dahil hinarangan nila ang population control program? Nangako na raw ang Manila Water na mi-namadali na nila ang pagsasaayos ng proyekto na magdadagdag ng supply para sa kanilang mga sineserbisyuhan. Until when? So for the meantime, tiis muna tayo ng walang ligo?

WORLD WATER DAY PA NAMAN

TUBIGOpo. Nitong March 22nd. Base sa pagsasaliksik ng Water Environment Partnership in Asia (WEPA), dahil sa water pollution, bilyones ang nawawala sa ating bansa kada taon. Umaabot nga ng 58% ng mga test-ed groundwater ang kontaminado na ng coliform bacteria. Hindi tuloy nakakapagtaka na ang pa­ngunahing sakit ng mga batang 5 taon pababa ay diarrhea.

Ayon sa World Resources Institute, pang 57 sa 167 ang ating bansa na magiging most water stressed country pagdating ng ta-ong 2040. Ang napipintong water shortage ay mas lalala dahil na rin sa climate change at lumala­king populasyon. Hindi lang go-byerno ang dapat nating sisihin kundi tayo mismo. Ang ma­ling paggamit ng tubig, ang sobrang paggamit ng tubig, at pag-pollute natin sa natural water sources ay mga pangunahing banta sa ating water supply. Isipin natin ang ating ugali habang nagsisipi-lyo, bukas ang gripo at walang gamit na baso. Hindi porke’t kaya nating bayaran ay ating sasalaulain na ito.

BUONG MUNDO AY NAUUBUSAN

Hindi dahil sa langis. Hindi dahil sa teritoryo. At hindi dahil sa pera. History has shown that water will be the most important commodity in the near future. Ayon sa Stockholm Environment Institute, 1/3rd na ng populasyon ng daigdig ang naninirahan sa mga lugar na dumaranas ng malubhang kakapusan sa tubig. Tinataya ng meteorologists na sa loob ng 25 taon, ang dami ng tubig na magagamit ng bawat tao sa lupa ay maaaring bumaba ng 50%. Ito ang pagsisimulan ng matinding away sa bawat bansa.

“Ang isa sa pinakamalalaking pagkaka­salungatan sa kalikasan ng tao ay ang mga bagay kapag kakaunti na ang mga ito,” ayon kay Elizabeth Dowdeswell mula United Nations. “Pinahahalagahan lamang natin ang tubig kapag natuyo na ang balon. 80% ng lahat ng sakit na nakamamatay ay dahil sa maruming tubig. Ang sanitasyon ay nanga­ngahulugan ng buhay at kamatayan,” dagdag pa niya.

EPEKTO SA KALUSUGAN

TUBIG-11Sa totoo lang, 97% ng tubig dito sa lupa ay nasa mga karagatan at masyadong maalat para gamitin sa pag-inom, pagsasaka, at paggawa.

Mga 3% lamang ng tubig sa daigdig ang sariwa. Gayunman, ang karamihan nito ay hindi madaling ma-kuha. Walo hanggang 10 araw lamang tatagal ang isang tao na walang iniinom na tubig. After that ay kamatayan dahil sa severe dehydration.

Gaano kahalaga sa ating katawan ang sapat at malinis na tubig?

• Pagmimintina ng likido sa katawan – kabilang na rito ang pagtunaw ng mga kinain, pagsipsip ng mga sustansiya, sirkulasyon ng dugo, at pagpapanatili ng temperatura. Higit sa 60% ng ating katawan ay binubuo ng tubig.
• Pagkontrol ng calories sa katawan – nakatutulong ang tubig sa pagpapapayat.
• Karagdagang lakas sa mga kalamnan – nakasalalay rito ang ba­lanse ng electrolytes sa muscle cells upang ito ay gumana.
• Pagpapaganda ng kutis ng balat – maiiwasan ang pangungulubot ng balat at pati na ang panunuyo nito kung sapat ang inumin.
• Paggana ng kidneys – namumuo ang kidney stones kung hindi sapat ang tubig na iniinom.
• Pagpapabuti ng pagdumi – nauuwi sa pagtitibi o constipation kung kulang ang tubig sa katawan.

*Quotes

“Ang pagkakaroon ng ligtas, malinis at sapat na mapagkukunan ng sariwang tubig ay isang pangunahing pangan-gailangan para sa kaligtasan, kapakanan, panlipunan at pang-ekonomiyang pagsulong ng buong sangkatauhan. Gayun-man, patuloy tayong guma­gawi na para bang ang sariwang tubig ay isang kayamanan na lagi na lamang sagana. Hindi totoo iyan.”
– Mr. Kofi Anan, former United Nations Secretary

oOo

Salamat po sa pagsubaybay sa ating artikulo tuwing Lunes. Para sa mga dagdag ninyong katanungan, maaari po kayong makinig sa DWIZ 882 khz every Sunday at 11am sa programang Kalusugang Ka-BILIB or text sa (0999) 414 5144 or visit our Facebook account: lebien medical wellness. God bless dear read-ers!

Comments are closed.