HONG KONG – MALAKI ang naging epekto ng malawakan at sunod-sunod na kilos-protesta sa labor force sa Hong Kong.
Katunayan, isang overseas job-matching online platform ang nag-ulat ng pagbaba ng bilang ng mga Filipino household worker na nais mamasukan sa nasabing Chinese territory.
Gayunman, sinabi ni HerperPlace community manager Mark Silva na maging ang pagkuha ng mga employer ng manggagawa dahil na rin sa nararanasang kilos-protesta.
“We have thousands of Filipino applying every month through our platform, [but] compared to last year’s figures, employer demand decreased by 9%,” pahayag ni Silva sa isang panayam.
Marami ring mga employer aniya ang inililipat ang kanilang mga tauhan sa ibang lugar o kaya naman mismong umaalis ng bansa.
Napag-alaman din na ang mga nagsialis na domestic helpers sa Hong Kong ay nagsilipat sa Singapore at sa iba pang bahagi ng Middle East.
“So many helpers in Hong Kong are being terminated due to financial problems of their employers or employers relocating out of Hong Kong. Household helpers are now more interested in going to other countries such as Singapore and the Middle East now,” ayon pa kay Silva
Ang HelperPlace ay lisensiyado ng Hong Kong government at pinagkakatiwalaan ng iba’t ibang asosasyon gaya ng HELP For Domestic Workers and Pathfinders at nagtatrabaho rin sa International Labor Organization (ILO). EUNICE C.
Comments are closed.