EPEKTO NG NCOV SA NEGOSYO

edwin eusebio

Aminado ang mga kinauukulan sa larangan ng kalakalan,

May epekto ang Novel Coronavirus sa ekonomiya at kabuhayan.

0.3 percentage points ang ibinaba ng pagla­gong inaasahan…

Gayunman ito, anila, ay hindi dapat pangambahan dahil kontrolado naman.

 

Naniniwala maging si Central Bank Governor Benjamin Diokno

Hindi naman kasing bagsik ng nCoV ang naunang SARS na Perhuwisyo.

Dahil, aniya, rito… inaasahan pa rin ang paglago ng mga negosyo

Normal pa rin ang kalakalan at maayos nitong pagsulong-pagtakbo.

 

Ayon sa taga-pangasiwa ng Bangko Sentral,

Ang China naman, aniya,  ay hindi gaanong umaasa sa ating kalakal

Kaunti lang ang iniluluwas nating produkto sa China na Mayaman

Bagama’t  sila ang nagluluwas sa Filipinas ng mga murang kalakal

 

Sinabi ni Diokno na maaaring maramdaman ang pagtamlay ng Turismo

Higit lalo na sa mga dumaragsa sa Filipinas na mga turistang Tsino,

Subalit dahil sa pangamba sa virus na mula sa mga ito

Inaasahan nang magiging mahigpit ang banyagang sa bansa ay darayo.

 

Lahat tayo ay dapat na  magdasal at manalig….

Ang Panibagong pagsubok na ito ay ating mapapalais

Kilala ang Filipino sa pagiging malinis….

Maingat sa Sarili at Kalusugan ang Priorities.



(Si Edwin Eusebio ay araw-araw na naririnig sa DWIZ 882 am Radio)