BENGUET – DALAWANG tourist attraction sa Cordillera region nagsimulang mag-lockdown dahil sa lumalaganap na novel coronavirus (nCoV) sa bansa.
Kabilang sa nag-lockdown noong Huwebes ang popular na Sakura gardens sa munisipalidad ng Atok kung saan dinaragsa ng mga turista dahil sa kakaibang flower gardens.
Maging sa bayan ng Tinglayan, Kalinga na tinaguriang world famous centenarian native tattoo artist na si Maria Oggay (Whang-od) sa Brgy. Buscalan ay isinara sa turista kahapon lamang.
Pina-lockdown ng lokal na pamahalaan ang dalawang tourist spot upang mapigilan ang pagkalat ng nCoV sa bansa kung saan kinakailangang gumawa ng paraan para sa kaligtasan ng publiko sa nasabing lugar.
Ilulunsad ng lokal na pamahalaan ang massive internal information dissemination sa komunidad para malaman ng mga residente laban sa nCoV.
Samantala, pinag-aaralan na rin ng pamunuan ng Sagada sa Mt. Province na ipa-lockdown ang world-famous mountain sceneries na patuloy na dinarayo ng mga turista. MHAR BASCO
Comments are closed.