ILANG linggo pa bago malaman kung ano ang posibleng epekto ng Omicron variant ng COVID-19 sa mga fully vaccinated individuals.
Ayon kay DOH epidemiology Bureau Head Dr. Alethea De Guzman, kasalukuyan pa kasing pinag-aaralan ang bagong variant na sinasabing mas nakakahawa kumpara sa Delta variant.
Kaya kailangan pa aniyang maghintay para makita nabg buo ang iba pang datos kaugnay sa bagong variant kabilang na rito ang efficacy ng COVID vaccines.
Sa ngayon ay mahirap pa umanong magbigay ng konklusyon kung gaano katindi ang epekto ng Omicron variant lalo na’t wala pa rin umanong naitatalang nasawi dahil sa nasabing variant.
Samantala, wala pa umanong nade-detect na Omicron variant sa Pilipinas.
Ito’y ayon kay acting spokesperson Karlo Nograles sa gitna ng pangamba ng pagpasok at pagkalat ng bagong variant ng COVID-19.
Sa ngayon, ang ginagawang hakbang ng gobyerno ay agad na isinasama sa red list ang isang bansa na nagkakaroon ng local transmission ng Omicron.
Ito umano ay para maiwasan ang pagpasok sa bansa ng naturang variant.