(Epekto ng pagputok ng bulkang Kanlaon) 3,421 HAYOP NAMATAY DULOT NG ASHFALL, SULFUR DIOXIDE EMISSION

INIHAYAG ng Provincial Veterinary Office (PVO) ng Negros Occidental na nakapagtala ng kabuuang 3,421 bilang na namatay na hayop dahil sa epekto ng pagputok ng bulkang Kanlaon.

Ang mga naturang hayop ay hinihinalang naapektuhan sa malawakang ashfall na nangyari kasunod ng pagputok, at mataas na sulfur dioxide emission ng bulkan.

Batay sa talaan ng ahensiya, umaabot sa 3210 na manok ang namatay habang ang ang nalalabing 211 ay binubuo ng mga baka, kalabaw, kambing, baboy, at tupa.

Lumalabas din sa ilang mga pagsusuri na isinagawa ng naturang opisina na nagkaroon ang mga ito ng respiratory infection at problema sa pagkain o digestive problem dahil na rin sa pagkakalanghap at matagal na exposure sa sulfur.
EVELYN GARCIA