EPEKTO NG PIFITA SA EKONOMIYA PINABUBUSISI

Senator Win Gatchalian asked the Department of Finance and the National Economic Development Authority for a detailed impact of the proposed Passive Income and Financial Intermediary Taxation Act (PIFITA) on the country’s economy. Photo by Mark Cayabyab/OS WIN GATCHALIAN

Senator Win Gatchalian asked the Department of Finance and the National Economic Development Authority for a detailed impact of the proposed Passive Income and Financial Intermediary Taxation Act (PIFITA) on the country’s economy. Photo by Mark Cayabyab/OS WIN GATCHALIAN

HINILING ni Senador Win Gatchalian sa Department of Finance (DOF) at National Economic Development Authority (NEDA) ang detalyadong epekto ng panukalang Passive Income and Financial Intermediary Taxation Act (PIFITA) sa ekonomiya ng bansa.

Nais kong maunawaan at ipaunawa sa tao ang kahalagahan ng panukalang PIFITA sa ekonomiya,” sabi ni Gatchalian sa isang pagdinig na isinagawa ng Senate Committee on Ways and Means na kanyang pinamumunuan.

Nauna nang sinabi ni Finance Undersecretary Karlo Fermin Adriano na ang pagsasabatas ng PIFITA ay maaaring magpababa sa revenue collection ng bansa sa P125.9 bilyon mula 2025 hanggang 2029.

Gayunpaman, dahil sa inaasahang kabawasan sa makokolektang buwis, mahalagang maunawaan kung paano makikinabang ang bansa, kabilang na ang mga mamumuhunan, sa naturang panukala, sabi ni Gatchalian.

Paano magreresulta sa pagbabago ng tinatawag na market behavior ang PIFITA? Paano lalago ang iba’t ibang sektor ng pananalapi, halimbawa, ang debt market, ang equities market, o ang insurance market? Paano mapapalawak ng PIFITA ang merkado at pagtaas ng tax take mula sa paglago ng merkado? Iyan ang nais nating maunawaan at ipaunawa sa tao,” pagdidiin pa niya.

Babawasan ng panukalang PIFITA ang halaga ng pagpapataas ng kapital at utang sa pamamagitan ng pagbabawas ng bilang ng mga tax base ng buwis at mga rate na naaangkop sa passive income, financial intermediaries, at financial transactions.

Kung magiging batas, gagawing patas ng panukalang PIFITA ang playing field sa pamamagitan ng mas mahusay na pricing information at magbibigay-daan para maging mas competitive ang bansa sa rehiyon ng ASEAN.

VICKY CERVALES