EPEKTO NG QUARANTINE SA ECONOMY PINAG-AARALAN NG ECONOMIC MANAGERS

Finance Secretary Carlos Dominguez-3

PATULOY na pinag-aaralan ng awtoridad ang epekto ng quarantine sa buong bansa sa harap ng paglago ng ekonomiya ngayong taon, lalo na’t pinaiiral pa rin ang general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila.

Ang GCQ sa Metro Manila ay pinalawig hanggang sa katapusan ng Hulyo habang ang ibang lugar ay niluwagan ang restrictions simula Hulyo 16.

May posibilidad na ibalik ang National Capital Region (NCR) sa mas mahigpit na modified enhanced community quarantine (MECQ) kapag nagpatuloy na tumaas ang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na ang pagpapalawig sa  GCQ sa NCR ay hindi makatutulong sa domestic economy, kahit mas maraming establisimiyento ang nagpatuloy sa operasyon.

“I don’t know if it will deepen the recession. It probably will level it off but certainly it will not pull us up,” wika ni Dominguez.

Ang mga economic ma¬nager ay nagtakda ng 2 percent hanggang 3.4 percent contraction forecast para sa Philippine economy ngayong taon dahil sa epekto ng pandemya.

Gayunman, sa kanilang pagtaya ay maitatala ang economic output sa 8 percent hanggang 9 percent sa susunod na taon sanhi ng mga ipinatutupad na growth-boosting measures.

“We are currently reviewing the emerging figures,” anang kalihim.

Sa first quarter ng taon, ang ekonomiya ay bumagsak ng 0.2 percent, ang unang negative output magmula noong huling quarter ng 1998.  PNA

Comments are closed.