EPEKTO NG US ELECTIONS PAGHANDAAN

IGINIIT ni Senador Imee Marcos na dapat maghanda ang Pilipinas sa epekto ng US elections sa buong mundo.

Sa isang statement, sinabi ng senadora na nagsisilbing chairman ng Senate Committee on Foreign Affairs, na ang mga polisiya ng Amerika sa immigration, pamumuhunan at defense ay maaaring mabilis na magbago kasunod ng 2024 presidential elections.

Ibinabala nito na ang mas mahigpit na US Immigration policies ay maaaring humantong sa deportasyon ng libo-libong hindi dokumentadong Pilipino habang maaaring humina naman ang direct investments at mabawasan ang mga trabaho sa BPO sa bansa sa gitna ng mga pagsisikap na ibalik ang American companies sa kanilang bansa.

Sa halos 4.5 milyong Filipino-Americans na naninirahan sa US, ipinunto ni Imee ang pa­ngangailangan para sa mapayapa at maayos na electoral process.

Aniya, ang political at economic stability ng US ay mahalaga sa economic stability ng buong mundo.

Ang sinumang mahahalal na Pangulo ng US ay uunahin ang interest ng mga Amerikanong mamamayan.