EPEKTO SA KALUSUGAN NG PAGPUPUYAT

PAGPUPUYAT-1

MAHILIG magpuyat ang marami sa atin. Bawat isa ay may iba’t ibang rason kung bakit nagpupuyat sa gabi. Ang iba ay nag-aaral, nagtatrabaho, nag-aabang ng teleserye o ‘di naman kaya ay makikita mong online sa Facebook at sa ibang social networking sites.

Usong-uso na nga­yon ang pagpupuyat lalo na sa kabataan. May ilang kabataan nga na nasa galaan pa rin kahit na madaling araw na.

Kunsabagay, hindi rin  naman talaga maiiwasang magpuyat lalo na kung may lakad ang barkada o kasamahan sa trabaho. Ngunit may masamang epekto ang pagpupuyat kaya nararapat lang natin itong iwasan hangga’t maaari.

At ilan nga sa mga epekto ng kakulangan sa tulog o pagpupuyat ay ang mga sumusunod:

PAGIGING IRITABLE AT HINDI AKTIBO ANG PAG-IISIP

HINDI AKTIBO ANG PAG-IISIPNagiging iritable at hindi aktibo ang pag-iisip ng taong mahilig magpuyat. Ayon sa isang pag-aaral, ang kakulangan sa tulog ay nakasasama sa ating puso. Nagiging sanhi ito ng pagtaas ng blood pressure sa mga matatanda.

Maaari ring makakuha ng iba’t ibang sakit gaya ng heart attack, heart failure, irregular heartbeat, stroke at diabetes.

PAGKAKAROON NG TIGYAWAT

Marami rin sa ngayon ang nagpupuyat dahil sa kanilang ina­abangang teleserye o palabas tuwing gabi. May ilan din na nahihilig maglaro ng online games at manood ng telenovela sa online. Mahirap din kasing ma-miss ang episode ng ina­abangang palabas.

Gayunpaman, ang pagpupuyat na ito ay nagiging sanhi ng pagkakaroon ng tigyawat. Wala naman daw koneksiyon ang pagkakaroon ng tigyawat sa pagpupuyat. Pero ayon sa isang pag-aaral ang pagpupuyat at kakulangan sa tulog ay nagbabawas sa ating katawan ng oras upang makapagpahinga. Ito ay maaaring magdulot din ng stress, pagtaas ng insulin at depresyon.

NAGIGING DAHILAN NG FATIQUE AT PAGIGING MAKAKALIMUTIN

MAKAKALIMUTINAng kakulangan sa pagtulog ay nagi­ging dahilan din ng fatigue at napalalapit sa aksidente. Kapag ikaw ay bumibiyahe at nagpupuyat sa pag-drive, kailangan mas maging alerto at maingat dahil ito ang mga nagiging rason ng pagdami ng aksidente sa kalsada

Ang pagtulog ay importante sa ating cognitive learning process. Kapag kulang sa tulog, ikaw ay humihina pagdating sa pag-alala at pagkuha ng mga impormasyon mula sa pakikipag-usap sa ibang tao.

Ayon sa isang pananaliksik, kung wala kang tamang tulog ay hindi mo na maalala ang mga bagay na ginawa mo buong araw.

NAKAPAGPAPAPANGIT NG BALAT AT NAKALALAKAS NG KAIN

Nasisira ang balat kapag ikaw ay nagpupuyat. Ito ay nagiging dahilan ng pamumutla at pagkakaroon ng eyebags.

Ang tamang oras ng pagtulog ay nagpapa­natili sa ating wastong pagkain. At kung kulang sa tulog, napalalakas nito ang pagkonsumo ng pagkain. Dahil sa kakulangan sa tulog, para makabawi ang katawan ay maya’t maya ka kung magha­nap ng pagkain.

Kaya’t nang maiwasan ang pagkakaroon ng eyebags, pamumutla at pagiging obese, iwasan ang pagpupuyat.

NAGIGING DAHILAN NG MICROSLEEP  O BLACKOUT

SLEEP-1Nagkakaron ang isang tao ng tinatawag na microsleep. Hindi mo namamalayan na ikaw ay nakatutulog kahit na may ginagawa. Ang microsleep ay tulad din ng blackout at hindi nababatid ng taong may ganitong karamdaman.

May mga bagay rin na dapat nating isaalang-alang upang maiwasan ang pagpupuyat.

Bawasan ang pag-inom ng mga inuming may mataas na caffeine content tulad na lang ng kape at soda.

Dapat ay may sapat na eherisyo sa umaga. Subukan ding ipahinga ang katawan bago matulog. Iwasan ang paninigarilyo Gawing tahimik at komportable ang kuwarto. Kumain ng tamang pagkain at iwasan ang pagtulog nang gutom.

Nakatutulong upang makatulog ng mahimbing ang saging, tuna, patatas, avocado. Habang nasa kama naman, iwasan ang pagkain.

Hilig pa naman ng ilan sa atin na habang nanonood ng telebisyon ay kumakain din.

Ang pagtulog ay isa sa mahalagang bagay na kailangan ng ating katawan. Katulad din ng pagkain, pag­hinga at pag-inom ng tubig, ang pagtulog ay nagsisilbing tamang  pundasyon para sa ­ating kalusugan. Ito ay nagpapahaba ng ating buhay. Napananatili ang malusog na puso. Naiiwasan ang pagi­ging bugnutin, maiinitin ang ulo at pabago-bago ng mood.

Napag-alaman ng Sleep, Metabolism and Health Center ng University of Chicago na ang slow wave sleep o ang pagtulog ng mahimbing ay nakatu-tulong sa ating metabolism at sa kalusugan ng puso.

May masasamang epekto ang pagpupuyat kaya naman sikaping makatulog ng mahim­bing nang maiwasan ang masamang epekto nito habang maaga pa. Huwag hintaying magsisisi sa bandang huli.

Alagaan natin ang ating kalusugan nang humaba ang ating buhay at ma-enjoy natin ito kasama ang mahal natin sa buhay. (photos mula sa medical-newstoday.com, sheknows.com, simoneleslie.com at healthline.com)

5 thoughts on “EPEKTO SA KALUSUGAN NG PAGPUPUYAT”

  1. 411568 984253Greetings! Quick question thats completely off subject. Do you know how to make your web site mobile friendly? My internet site looks weird when browsing from my apple iphone. Im trying to discover a template or plugin that may well be able to correct this concern. Should you have any suggestions, please share. With thanks! 622566

  2. 909890 284829This design is spectacular! You naturally know how to maintain a reader amused. Between your wit and your videos, I was almost moved to start my own weblog (nicely, almostHaHa!) Great job. I truly enjoyed what you had to say, and more than that, how you presented it. Too cool! 746675

  3. 12629 El Camino Real Oracle Workforce Management is unified with Oracle Cloud HCM, so employees have a consistent experience and one place for reporting and analysis. Having a seamless solution with Oracle Payroll and Oracle Absence Management has helped overcome challenges of working with multiple, separate solutions where data could not connect. Now the company has a single, secure way to track, manage, and accurately pay the workforce. 180 Riverside Boulevard Apartments is located in iconic Upper West Side, just steps from the Hudson River and Riverside Park. We’re near the 2 and 3 local subway lines with easy access uptown and downtown. We also provide a private shuttle to the 72nd street subway. Our neighborhood feels residential, yet convenient to the rest of Manhattan. With restaurants, grocery stores, gyms and the Lincoln Center within minutes of our building, finding your new favorite spots will be easy. Check out some of our residents’ favorite places near our building on the map below, but be sure to stop by to see the neighborhood for yourself! https://uk.sauber-lab.com/community/profile/brookdearborn88/ A wraparound porch is a sought-after feature that’s very hard to find — and this home also comes with 6.75 acres. Just take a long drive up the tree-lined gravel driveway to this grand four-bedroom, two-bathroom home. Though it was originally built in 1900, the house has been updated with granite countertops, custom cabinetry, and stone showers with seats. The home’s historic charm still shines through, with wood columns, decorative moldings, and built-in storage in the dining room. We bet there are some hardwood floors underneath all that wall-to-wall carpet too. Custom designed home by Brush & Hammer Builders! This 4 bedroom, 3.5 bath home will feature an open concept floor plan. White cabinetry with quartz countertops adorn the kitchen which opens to the dining area and living room with gas fireplace. Two offices and a mudroom complete the first floor. The second level boasts a spacious primary suite with a deep soaking tub, white oak cabinetry, tile shower and walk-in closet. Three additional bedrooms, two baths and laundry room are located on the second floor. The basement will be partially finished with a full bath. This home is located in one of Cumberlands newest subdivisions, Blanchard Oaks!

Comments are closed.