EPILEPSY SUMUMPONG, LALAKI NAHULOG SA BALON

Balon

ILOCOS NORTE-ISANG lalaki ang nasawi nang sumumpong ang epilepsy nito at nahulog umano sa balon sa Sitio Inanama, Brgy. Nagbacalan, Paoay.

Kinilala ito na si Benrose Cachero, na biglang naglaho nang manananghalian na sila.

Ayon sa kapatid ng biktima, nakita na lamang nila si Benrose sa balon.

Tumatambay umano ang biktima sa tabi ng balon at posibleng sinumpong ito ng epilepsy na maaaring dahilan ng kaniyang pagkahulog.

Samantala, sinabi ni PLt. Marlon Martinez, deputy chief of police ng PNP Paoay, na lumalabas na mayroong hindi pagkakaunawaan ang pamilya ng biktima bago ang insidente. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.