EPISYENTENG DELIVERY NG ‘AYUDA’ SA QUALIFIED LOW-INCOME RESIDENTS SA ILOILO, CDO AT GINGOOG CITY HINILING

WELCOME kay Senador Christopher “Bong” Go ang naunang desisyon ng pamahalaan na magkaloob ng special financial assistance sa mga residente ng Iloilo province, Iloilo City, Cagayan de Oro City at Gingoog City, Misamis Oriental na apektado ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) restrictions, na una ay mula Hulyo 16 hanggang 31 lamang ngunit malaunan ay pinalawig pa hanggang sa Agosto 7.

Ang pondo para rito ay kinuha at ililipat mula sa Assistance to Individuals in Crisis program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) patungo sa mga concerned local governments na siya namang responsable sa pamamahagi ng naturang ayuda sa kanilang mga constituent.

“Nakikiusap ako sa gobyerno na bilisan na ang pamamahagi ng ayuda sa mga naapektuhan ng ECQ sa lugar nila. Siguraduhin dapat na nakarating sa mga nangangailangan ang ayuda na inilaan sa kanila,” ani Go.

Matatandaang ang quarantine status ng mga naturang lugar ay itinaas base na rin sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) at tiniyak naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na magkakaloob ng tulong ang national government sa mga apektadong LGUs.

Bilang Vice Chair ng Senate Committee on Finance, una na ring naglabas ng personal na apela si Go sa lahat ng implementing agencies na bilisan ang paglalabas ng Supplemental Amelioration Program (SAP) kasunod ng pagpapatupad ng ECQ sa mga tukoy na critical areas sa COVID-19.

Ipinaliwanag ng senador na bahagi ng misyon ng pamahalaan na makapagligtas ng buhay, ang pagtugon sa isyu ng kagutuman at kahirapan, partikular na sa ganitong panahon ng krisis.

“Ako naman, bilang Chair ng Senate Committee on Health, ang prayoridad natin ay makapagligtas ng buhay ng mga Pilipino. Kaakibat diyan ang pagsigurong maiiwasan hindi lang ang sakit, kundi pati rin po ang gutom at kahirapan,” ani Go.

“Dahil kinailangang magdeklara ng ECQ, dapat lang na ibigay rin natin ang anumang tulong na kaya nating ibigay para sa mga tao. Habang pinipilit nating manatili sila sa bahay, siguraduhin rin nating ligtas sila at may pang-kain sa kanilang pamilya,” aniya pa.

Samantala, hinikayat din ng senador ang Executive Department na tiyaking ang lahat ng tulong ay maibibigay sa ‘poorest of the poor’ na pinakaapektado sa pagpapatupad muli ng ECQ sa National Capital Region (NCR) mula Agosto 6 hanggang 20.

Bukod sa reimposition ng ECQ at border controls, umaapela rin si Go sa reinforcement ng contact tracing at genome sequencing, augmentation ng healthcare facilities at pagpapabilis ng vaccine rollout sa bansa.

“Pakiusap po, sumunod po tayo sa mga patakaran at magpabakuna na bago maging huli ang lahat. Ang inyong disiplina at kooperasyon ay makakapagligtas ng buhay ng kapwa nating Pilipino. Konting sakripisyo ito katumbas ang mga buhay na mapoproteksyunan natin,” dagdag pa niya.

5 thoughts on “EPISYENTENG DELIVERY NG ‘AYUDA’ SA QUALIFIED LOW-INCOME RESIDENTS SA ILOILO, CDO AT GINGOOG CITY HINILING”

  1. 91209 225139Hi there, I located your weblog via Google even though looking for initial aid for a heart attack and your post looks very fascinating for me. 938240

  2. 417328 68517Quite good written write-up. It will be helpful to anybody who usess it, including myself. Keep up the great work – canr wait to read much more posts. 388315

Comments are closed.