LABIS-LABIS ang pasasalamat ng mga motorista, residente at mga pedestrian na nagdaraan sa Quiapo, Manila matapos ipabaklas ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada ang may 300 na illegal vendors na kumokopo sa mga kalye ng Palanca, Villalobos at Ducos at ginawang mistulang palengke ang gitna ng mga kalye.
“Hanga kami sa political will ni Mayor Erap sa hindi pagpayag sa mga illegal vendor na babuyin ang mga lansangan sa Quiapo na hindi lamang nagpapadumi sa mga ito bagkus ay umaabot na hindi na nadaraanan ng mga sasakyan,” pahayag ni Nato Gonzales, service driver ng isang insurance agency na karaniwang bumabaybay sa mga naturang kalye.
“Nakapandidiri nang maglakad dito, salamat sa kagandahang-loob at maagap na pagtugon ni Mayor Erap at ngayon nga’y naipanumbalik ang kalinisan, aliwalas at luwag ng mga lansangan dito sa Quiapo para sa publiko at mga motorista,” sinabi naman ni Sonia Sevilleta, isang guro sa kalapit na unibersidad na araw-araw nagdaraan sa Palanca Street patungo sa kanyang paaralan.
“Mabuhay si Mayor Erap!” nagagalak na deklarasyon naman ni Raymond Dela Paz, isang high school student.
“Panalo ang ginawa ni idol Erap, ngayon lamang naging ganito kaayos ang Palanca, Villalobos at Ducos, pati mga nagsisimba sa Quiapo Church ay maginhawa nang nakapaglalakad paroon at parito sa simbahan,” pahayag naman ni Reynante Tablas, residente ng Quiapo.
“Dahil sa maagap na pagtugon ng aming butihing Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada, lumabas ang natural na ganda ng Quiapo, kaaya-aya pala ito kapag nalilinis at napapanatiling malinis at maayos,” pahayag naman ni Lorena Espina, empleyada ng isang pawnshop sa Quiapo.
“Sana laging ganito kaayos at kaaliwalas ang Quiapo. Salamat lodi Erap sa malasakit, you’re my favorite mayor sir,” sambit naman ni Rudy Pascual, isang family driver.
“We love you Mayor Erap, maraming salamat po sa pagbabalik ng dignidad ng makasaysayang Quiapo,” sinabi naman ni Joaquin Santos, residente ng Palanca.
Comments are closed.