ERAP, UNA PA RIN SA MAYNILA

SI Manila Mayor Joseph Estrada pa rin ang mas gusto ng mga taga-lungsod na maging alkalde kung ikukumpara sa kanyang mga makakalaban sa eleksiyon.

Sa pinakabagong survey na ipinagawa ng Metro Pacific Company ni Manny V. Pangilinan sa Probe Data Processing & Research Services,  lumilitaw na 45.9% ang boboto kay Estrada samantalang 34% naman kay Isko Moreno at 17.8% naman kay former mayor Alfredo Lim.

Ang iba pang kandidato na si Francis Villegas, 1%, Lito Atienza, 1% at 2.2% ang undecided.

Sa March 18-22, 2019 Probe surveys, tinanong ang 1,800 respondents sa lahat ng distrito ng Maynila kung sino ang iboboto nilang alkalde kung sakaling ganapin ang eleksiyon sa mismong araw na ginawa ang pagtatanong.

Sa mga nakaraang surveys mula December 2018 at January 2019, matatag pa rin si Estrada sa iskor na 43% laban sa dalawa niyang katunggali, si Isko ay 21%, samantalang si Lim ay 16%.

Lumitaw Rin sa kaparehong survey na si vice mayoralty candidate Amado Bagatsing ay nakakuha ng 49.6% samantalang si Honey Lacuna ay 46.%.

Kaugnay nito, nagpasalamat si Mayor Estrada sa patuloy na pagtanggap sa kanya ng mga taga-Maynila bilang kanilang alkalde. Naniniwala si Estrada na ang performance niya sa nakaraang dalawang termino ang dahilan sa patuloy na pagtitiwala sa kanya ng mga mamamayan ng Maynila.

Comments are closed.