TUMAMBAD na naman sa balita na nag-utos ang Ombudsman na suspendihin ang apat na commissioners ng Energy Regulatory Commission (ERC) ng tatlong buwan bunsod sa reklamo na isinampa ng National Association of Energy Consumers for Reforms Inc. (NASECORE). Ayon sa reklamo nila, nagpabaya raw ang ERC sa pagpayag nila sa Meralco na gamitin ang pondong nalikom mula sa bill deposit at gamitin sa operation nila imbes na ilagay sa hiwalay na pondo at ibalik ito sa mga konsyumer sa takdang panahon.
Ang mga nasabing commissioner na sususpendihin ay na sina Alfredo Non, Gloria Yap-Taruc, Josefina Asisrit, at Geronimo Sta. Ana. Ang rekomendasyon ay nag-ugat mula sa Graft Investigation and Prosecution Office III na si Cherry Bautista Bolo at inaprubahan ng kanilang Overall Deputy Ombudsman na si Melchor Carandang.
Heto na naman tayo. Kailan lamang ay nakakuha ang apat na commissioners ng Temporary Restraining Order (TRO) mula sa Court of Appeals sa dating utos din ng Ombudsman na suspendihin ng isang taon ang mga nasabing commissioner dulot naman ng kasong isinampa sa kanila tungkol sa umano’y ‘sweetheart deals’ ng Meralco sa pitong power supply agreements (PSA) sa mga tagapag-supply ng koryente nila.
Itong mga isyung nagpapagulo sa ERC ay mula pa lamang sa pag-ahon nila sa kontrobersiya sa nasabing ahensiya matapos na patalsikin ang dating chairman nila na si Jose Vicente Salazar dulot ng katiwalian. Si Pangulong Duterte mismo ang nag-utos sa pagsibak kay Salazar.
Pasok ngayon ang magaling na abogada na si Agnes Devanadera na pumalit sa posisyon ni Salazar. Si Duterte mismo ang pumili kay Devanadera na maging pinuno ng ERC na nabahiran ng masamang imahe sa panunungkulan ni Salazar.
Maganda ang track record ni Devanadera nu’ng siya ang nagsilbi bilang kalihim ng DOJ.
Subali’t tila hindi pa siya nag-iinit sa kanyang upuan ay kaliwa’t kanan ang birada ng mga militante sa kanya. Pati pag-ugnay kay Devanadera sa Meralco ay ginagawan nila ng tsismis. Haaaay.
Dito sa nasabing bill deposit. Ang nakapagtataka naman ay panay ang puntirya ng mga militanteng grupo na pinangungunahan nina Cong. Zarate, Neri Colmenares at ang mga kasama pa nila. Sinasabi nila na may mali sa nasabing regulasyon. ITUTULOY
Comments are closed.