(PAGPAPATULOY)
MAIHAHAMBING ang bill deposit sa pagrenta ng apartment o puwesto ng tindahan. Normal na humihingi ng deposito upang kung ano man ang mangyari ay may deposito na magagamit kung sakaling ayaw nang magbayad ng nangungupahan. Maaari naman na hindi na sila magbayad ng tatlong buwan bago sila makahanap ng panibagong puwesto at ‘yung deposito ang magtutustos nito.
Parang ganoon din sa bill deposit. Kung hindi na makapagbayad ang taong nakapangalan sa kontrata, protektado ang susunod na gagamit nito. At dagdag pa natin dito ay hindi lamang Meralco ang nagpapatupad ng nasabing polisiya ng ERC. Lahat ng electric cooperatives at lokal na power distributors sa ibang bansa ay saklaw rin ng polisiya ng bill deposit. Kung ganoon…bakit Meralco lamang ang pinupuntirya? Ano ba ang galit ng mga militante sa Meralco? Bakit ayaw nilang isama sa kanilang reklamo ang iba pang kooperatiba ng kuryente at distributors sa Cebu, Panay at Davao? Bakit Meralco lang? Eh, ganoon din naman ang polisiya na ipinatutupad nila sa kanilang mga konsyumer.
Sabi ko nga, ERC na naman ang pinagbabalingan ng mga militante. Ano kaya ang adyenda ng mga ito? Kung magka-heto’t hetot ang pamamahala ng ating basic utilities tulad ng tubig at kuryente na palaging pinapalagan ng mga militanteng grupo, hindi ako magtataka na talagang lulublob sa kahirapan ang ating bayan. Puros angal at dapat libre ang lahat. Subalit wala naman silang kongkretong programa upang umangat ang kabuhayan natin. Ang masakit pa nito, ang halos lahat ng militante ay hindi naman sapat sa pagbabayad ng buwis. Haaaaaay!!!
Comments are closed.