ERIC QUIZON UMAASAM NA PASOK SA TOP 8 ANG PELIKULA NIYA SA MMFF

OVERWHELMED si Direk Eric Quizon nang malaman niyang nakapasok sa top eight entries sa comingshowbiz eye Metro Manila Film Festival (MMFF) 2018 ang dinirek niyang movie na intended talaga sa MMFF, ang “One Great Love” na tampok ang new team-up nina Dennis Trillo at Kim Chiu, with JC de Vera.

Natatandaan namin noong presscon ng sexy movie nina Sanya Lopez at Derrick Monasterio, dumating si Direk Eric at nang tanungin namin kung may pag-asang makapasok ito sa Top 8, sana nga raw dahil maganda ang story at ngayon lamang siya muli makasasali sa MMFF.

Kaya tuwang-tuwa si Direk Eric nang bumalik sila ni Roselle Monteverde mula sa Busan International Film Festival, ang unang magandang balita na natanggap niya ay kasama ang movie niya sa MMFF.  Maganda ang trailer na ipinalabas nila during the announcement last Tuesday, October 9, sa Club Filipino sa  Greenhills, San Juan City.

JOHN “SWEET” LAPUS NATUPAD ANG PANGARAP NA MAGING DIREKTOR

JOHN SWEET LAPUSDREAM come true na sa actor-comedian John “Sweet” Lapus na maging isang director.  Kagabi, Friday, October 12, ang gala premiere ng kanyang directorial debut ang #PangMMK, isa sa anticipated entries sa coming Cinema One Originals Film Festival,  at dumalo ang bumubuo ng cast, sina Noel Coleta, Joel Torre, Cherry Pie Picache at Nikki Valdez na muling ginampanan ang kanilang mga role sa original na “Maalaala Mo Kaya” episode na siyang pinagbasehan ng pelikula.

Nag-aral si Sweet ng directing kay Carlitos Siguion-Reyna sa Cinemalaya Foundation at sumali rin siya sa scriptwriting workshop naman ni Ricky Lee nang ini-recommend siya ng kaibigang si Direk Don Cuaresma.  October last year daw niya isinulat ang kanyang script, noong time na wala siyang trabaho, walang pera, at naisipan niyang isali  sa Cinema One.  Hindi siya nag-expect na mapipili siya, kaya nu’ng announcement, hindi raw naman nalungkot.

“Ipinasa ko na lang s’ya sa Digital Team ng boss kong si Deo Endrinal.  May biglang nag-back-out na entry. Ayun ako ang pumasok. First time ko itong magdidirek ng movie, alam kong malaking challenge. Thankful ako na nakakuha ako ng isang mahusay na production team. Gusto ko lamang namang magpatawa ng tao sa puso at hindi lang sa labi.  Ang #PangMMK ay isang dark comedy na magpapahalakhak sa labi at puso.”

Inamin ni Sweet na totoo palang mahirap magdirek, mas madali ang umarte na lamang.  Nalaman niya ito, kaya kung siya raw ang papipiliin, mas gusto na niyang mag-artista. Pero dream nga raw niyang maging director, kaya gusto rin niya ang bago niyang pinasok na pagdidirek ng movie.

Ang Cinema One originals ay tatakbo from October 12 to 21.

Comments are closed.