TINAPOS na ni ex-England manager Sven-Goran Eriksson ang kanyang short tenure bilang manager ng Azkals makaraang walang mai-panalo ang koponan sa kanilang Asian Cup debut.
Si Eriksson, 70, ay kinuha noong Oktubre upang gabayan ang koponan kasunod ng pagbibitiw ni Three Lions great Terry Butcher bilang head coach.
“He (Eriksson) was really on a short-term engagement as previously announced last year,” wika ni Philippine Football Federation general secretary Edwin Gastanes.
Aniya, hindi sinibak si Eriksson, at idinagdag na ang Swede ay kinuha para lamang sa 2018 AFF Suzuki Cup at sa 2019 Asian Cup.
“He is available for consultation still,” dagdag ni Gastanes.
Pinangunahan ni Eriksson ang Filipinas sa kanilang ika-4 na semifinals appearance sa Suzuki Cup, ang premier tournament ng Southeast Asia, kung saan natalo sila sa eventual champions Vietnam.
Matapos ang matikas subalit bigong kampanya laban sa South Korea sa kaagahan ng buwan sa Asian Cup, ang Azkals ay yumuko rin sa China at Kyrgyzstan.
“The Philippines is unfortunately not a football country — basketball is more popular. But if this generation of players can do well at the Asian Cup, they can change that,” wika ni Eriksson matapos ang laban sa Korea.
Dinala rin ni Eriksson ang England sa World Cup quarterfinals noong 2002 at 2006.
Comments are closed.