NEGROS OCCIDENTAL – ISANG passenger plane ang nag-overshoot o lumampas sa runway sa Bacolod-Silay Airport sa lalawigang ito nitong Biyernes ng umaga.
Ito ang kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na sinabing hindi agad kumagat ang preno ng nasabing eroplano.
Isinisi naman sa malakas na pag-ulan sa lugar kung bakit nagkaaberya ang brakes ng aircraft.
Wala namang pasahero at crew na nadisgrasya sa insidente.
Dahil sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ) na isang weather system kung bakit maulan sa lugar.
Nagdulot din ng pagkaantala sa operasyon gaya ng pag-landing at pag-take off ng ilang commercial airplanes.
EUNICE CELARIO