EROPLANO NG PAF BUMAGSAK, 2 PILOTO PATAY

DEAD on the spot ang dalawang piloto ng Philippine Airforce (PAF) makaraang bumagsak ang sinasakyan nilang eroplano kahapon ng ng umaga sa Sitio Tabon Brgy, Del Rosario sa bayan ng Pilar Bataan.

Sa inisyal na report ng Pilar Police Station kay PNP Regional Director BGen. Cesar Pasiwen, kinilala ang mga nasawi sa trahedya na sina Captain Ian Gerru C Paulo at John Paulo O. Aviso

Ayon naman sa ilang magsasaka na nakasaksi sa pangyayari, nagpaikot- ikot muna ang eroplano bago tuluyang bumagsak sa taniman ng palay dakong alas-10:40 ng umaga sa nabangit na Sitio.

Tulong-tulong mga pulis at sundalo sa pag-aangat ng mga labi ng biktima mula sa nawasak na eroplano.

Samantala, nagsasagawa na ng malalimang imbestigasyon ang mga awtoridad sa naturang insidente.
THONY ARCENAL