EROPLANO NG PAL NAG-OVERSHOOT SA MADAMONG PORTION NG BUSUANGA AIRPORT

WALANG nasaktan sa mga pasahero ng Philippine Airlines (PAL) flight PR 2680 makaraang mag-overshoot o lumapag sa damuhan portion ng Busuanga Airport kahapon ng hapon.

Ayon sa report na nakalap ng pahayagang ito, umalis ito bandang ala-1:44 ng hapon sa Mactan Internatiol Airport (MIA) lulan ang 53 passengers patungong Busuanga Airport sa Palawan.

At batay sa impormasyon dumating ang Philippine Airlines 86 seaters De Havilland Dash 8-400 sa Busuanga Airport bandang alas-2:51 ng hapon ngunit pagkalapag nagtuloy-tuloy ito sa madamong portion ng airport sa hindi pa malaman na kadahilanan.

Agad napababa ang mga pasahero at crew sa tulong ng mga kawani ng Busuanga airport at kasalukuyang nakikipagtulungan ang mga tauhan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa mga awtoridad, upang maibalik sa normal ang operation ng airport.

Pansamantalang ipinasara o ipinahinto ang operasyon ng airport habang isinasagawa ang retrieval operation ng nabalahong eroplano. FROILAN MORALLOS