SI Eros ay simbulo ng pag-ibig sa mga Greek, na may kinalaman sa romansa o passionate o sexual love. Kaya nga nagkaroon ng salitang “erotic” sa English dictionary. Si Psyche naman ang kanyang lihim na asawa. Kapag pinagsama sila, Eros y Psyche, ang ibig sabihin ay love and soul, pero pwede ring sabihing body and soul.
Ang eros ay masasabing passionate physical and emotional love na nararamdaman upang ma-satisfy ang pagnanasa, makagawa ng sexual contentment, security at aesthetic enjoyment para sa isa’t isa, kung saan kasama ang sexual security para sa kapartner habang nakikipagtalik.
Nasa-satisfy nito ang sexual desire – o sharing ng intimate at sexual self sa kasuyo. Ito ay highly sensual, intense, passionate na estilo ng pag-ibig. Pinipili ng mga erotic lovers ang kanilang makakapartner sa pamamagitan ng intuition o “chemistry”. Ito raw yung ‘love at first sight’ o siguro, mas tamang sabihing attraction at first sight. In other words, mas physical attraction ito kaysa spiritual attraction.
Para sa mga erotic lovers, sakali mang magpakasal sila – na bihirang mangyari – ang kasal ay extended honeymoon, at ang sex ay isang kakaibang karanasan. Definitely, ang mga erotic lovers ang nakakaisip ng iba’t ibang sexual positions kung saan sila nag-e-enjoy. Mahilig din sila sa endearments kaya tinatawag nila ang kanilang partner na “sweetie” o “sexy” at iba pa.
Hopeless romantic din ang erotic lover. Gusto niyang ipaalam sa lahat na nagmamahal siya at minamahal din in return, at sa tingin niya, ang relasyon niya ang pinakaperpektong relasyon sa buong mundo. Nasasaktan siya kapag may nananakit sa kanyang partner at gumaganti talaga siya. Kapag nagkalayo sila, nabubuhay siya sa lungkot at pagdurusa. Minsan, hindi na sila makatotohanan. Kadalasan, nahuhulog sila sa daigdig ng pantasya.
Ang advantage ng erotic love ay pinag-uugnay nito ang hormones at emosyon ng magsing-irog. Nag-iisa rin ang damdamin at pagnanasa ng pag-ibig. Napaka-relaxing nito sa taong gumagawa nito. Nagbibigay ito ng sense of security sa magka-partner na kumikilala at nakakakita sa sexual complementation ng isa’t isa bukod pa sa pagkakaroon ng sense of life’s purpose. Natatagpuan ang sexual contentment sa tamang pagmamahal at sa tamang panahon. Nangangailangan ito ng validity ng sexual feelings sa magkabilang panig, kapwa gumawa ng paraan upang ma-sustain ang interes at ma-maintain ang sexual health sa relasyon.
Ang disadvantage naman nito ay kung magkasawaan o mawala na ang atraksyon sa isa’t isa, o kaya naman, hindi mahilig sa pakikipagtalik ang isa sa magkapartner. Dapat ay pareho sila ng sexual drive para ma-satisfy nila ang isa’t isa. Ang partner na hindi kasing-sexually inclined ng kanyang kapartner ay maaaring mag-isip na inaabuso siya ng kanyang partner na laging naghahanap ng carnal gratification. – SHANIA KATRINA MARTIN