ERRAM MAGRERETIRO NA SA GILAS

gilas

MAGRERETIRO na si TNT big man Poy Erram sa Gilas Pilipinas national team.

Inanunsiyo ni Erram ang kanyang desisyon sa isang post sa social media noong Sabado.

“As I close this chapter of my life, gusto ko pong magpasalamat sa lahat ng taong nagtiwala at tumulong sakin,” pahayag ni Erram sa kanyang social media accounts.

“Just by wearing that jersey having that name in front always gave me goose bumps. Because not a lot of players have that chance to play and represent the country. I know there are players that are more deserving than me but I know that I deserved this,” sabi pa ni Erram.

“I deserved this for the people that believe in me. I deserved this for the people that hated me. I deserved this for my family and most of all I deserved this for me.”

Sinabi ni Erram na lagi siyang sumasagot ng ‘oo’ sa paanyaya ng Gilas dahil nais niyang tulungan ang national team.
“I will never say no to my country. I will never get tired of playing for you ????????. Nangarap lang ako dati na magkaron ng kahit na practice jersey lang ng GILAS. But now I am part of GILAS history and all worth it.”

Si Erram ay may iniindang knee injury, dahilan para hindi siya makasama sa nagpapatuloy na paghahanda ng Gilas para sa nalalapit na 2023 FIBA World Cup. Hindi siya nakapaglaro sa kampanya ng koponan sa isang pocket tournament sa China dahil sa injury.

Si Erram ay naglaro para sa Gilas sa Asian Qualifiers ng 2019 at 2023 editions ng FIBA World Cup, at sa 2021 FIBA Asia Cup at qualifiers nito.