PINANGUNAHAN ni world renowned DOTA 2 player Pan ‘Ruru’ Jie ang paglulunsad ng pinakamalaking esports tie-ups sa Filipinas at Southeast Asian region.
Tinawag na ‘LGD International Launch Party: A Collab of LGD and Esportsplay Gaming’, ang launching ay idinaos kahapon sa Conrad Hotel. Itinuturing ang LGD na isa sa pinakamahusay na international DOTA2 teams sa buong mundo at pinakamatagal na esports organization sa China, kung saan ang Esportsplay Gaming – ang bagong Philippine player sa larangan ng esports ay partner na ngayon ng LGD International, ang South-east Asia-based team.
Ang dalawa ay nagsanib-puwersa upang magsanay, mag-coach, mag-manage at mag-scout ng top and core players mula sa Filipinas at SEA region na sasabak sa ‘The International (T.I.), na pinakamalaking DOTA 2 tournament. Ang Esportsplay Gaming ay pinamumunuan nina Chief Operating Officer Ivan Angelo Cuevas at Chief Operating Officer John Tze, dalawang eSports enthusiasts at entrepreneurs na nakita ang potensiyal ng bansa sa eSports, na kasama sa sports calendar ng nalalapit na 30th Southeast Asian Games.
Nakapagprodyus na ang bansa ng maraming star players sa DOTA/DOTA2 at itinuturing na may pinakamahusay na DOTA 2 players, isang oportunidad ang Esportsplay Gaming sa tulong ng LGD para mapabilang ang bansa sa mapa ng eSports. Bilang bahagi ng paglulunsad ng event, ang LGD ay kumuha ng 6 na fans na nakalaro ang star players, kabilang na si RuRu, ang current CEO at founder ng organisasyon noong 2009 upang maging world-class Esports organization ngayon.Patuloy ang registration sa https://LGDint.progressiveprosolutions.com para maging bahagi ng LGD International team.
Dahil sa kaguluhang nangyari sa laro ng NorthPort Batang Pier at NLEX Road Warriors noong Lunes ng gabi sa Araneta Coliseum ay sinuspinde ng tig-isang laro sina Paul Varilla at Epoy Erram. Si Erram ay pinagmumulta rin ng P50,000 habang si Varilla naman ay P40,000. Ang dalawang players ay pinatalsik sa hard court kung saan siniko ni Erram si import Michael Qualls bago matapos ang 4th quarter.
Ang may problema talaga ay itong sina Qualls at Varilla. ‘Di sinasadyang sa pagbagsak ng import ng NLEX na si Qualls ay nabagsakan nito ang tiyan ni Varilla. Dito nagsimula ang gulo sa mga player. Pagtayo ni Varilla, itinulak nito si Christian Standhardinger na natumba sa sahig.
Muling maghaharap ang NLEX at NorthPort ngayong araw para sa kanilang knockout game. Ang Road Warriors ay may twice-to-beat advantage at dahil tinalo sila ng kampo ni coach Pido Jarencio ay nai-puwersa ang deciding game.
Comments are closed.