ERVIs BUMABA NG 60 PORSIYENTO – PNP

albayalde

IPINAGMALAKI ni Philippine National Police chief P/Gen. Oscar Albayalde na bumaba ng 60 porsiyento ang bilang ng naitang “election related violent incidence” nitong nakalips na May 13 midterm election.

Sa isang pulong balitaan inihayag ni Gen Albayalde na nasa 41 karahasan na po­sibleng may kaugnayan sa eleksyon ang naitala ng Philippine National Police (PNP).

Ayon sa PNP, ang 41 insidente ay isasa­ilalim pa sa validation upang makumpirma kung talagang election-related ang mga ito.

Sinasabing 60 percent na mas mababa ito kumpara sa bilang ng ERVI na naitala noong 2016 national and local election.

Kinabibilangan ito ng mga insidente ng komosyon, rumble na may pananakit, attempted murder at pamamaril, kasama na ang pagpatay sa isang barangay kagawad sa Clarin, Misamis Occidental na tinamba­ngan matapos bumoto.

Sinabi ni PNP chief, General Oscar Alba­yalde, agad din namang natugunan ng mga awtoridad ang mga naita­lang insidente ng kaguluhan. VERLIN RUIZ