Hirap ng sikat. May gawin ka at wala, mapupuna ka. Tulad na lang nina Erwan Heussaff at Anne Curtis, na kung tutuusin ay kauuwi pa lamang galing sa Australia, dahil doon sila nahuli ng pandemya, at doon na rin nanganak si Anne kay Dahlia.
Kamakailan, natsismis na hiwalay na raw sina Anne at Erwan dahil hindi sila nagpo-post ng pictures na magkasama, bagay na vehemently denied by Heussaff, sabay post ng selfie kasama ang asawa.
E paano nga kung hindi sila mahilig mag-post? Si Anne, walang time. Si Erwan naman, puro cooking vlogs ang inaatupag. Care nyo ba!
“Anne and I have never really posted much about each other online, it’s just how we are,” ani Erwan.
Kasi naman, wala sigurong maisulat ang isang showbiz writer, biglang nag-blind item na ikinonek kina Erwan at Anne Curtis. Na-curious tuloy ang mga marites!
But honestly, we don’t think so. Hindi ang klase nina Erwan at Anne ang agad susuko sa challenges ng married life. Isa pa, mag-best friend si Anne at ang kapatid ni Erwan na si Solenn Heussaff, tingin nyo, mahina ang pundasyon nila?
May mga tao talagang hindi mahilig sa social media, heller!
RLVN