MARAMI ang humanga sa husband ni Anne Curtiz na si Erwan Heussaff sa gagawin nitong pagsasauli ng more than P1 million talent fee na natanggap niya sa controversial na project ng Departnment of Tourism na Buhay Carinderia.
Ayon na rin mismo kay Tourism Secretary Bernardette Puyat nangako na raw sa kanya si Erwan na ibabalik ang isang milyong pisong talent fee sa kanya at patuloy pa rin daw ito na tutulong sa tourism campaign upang lalong mai-boost nang husto ang ating tourism industry.
Malaki raw ang tiwala ni Secretary Puyat kay Erwan dahil nasabi nito na malinis ang husband ni Anne at hindi mukhang pera.
Bukod kay Erwan, ikinatuwa rin ni Sec Puyat ang suporta pa na ibinibigay sa kanya ng ibang artista na sina Sharon Cuneta, Aga Muhlach, Rico Blanco, Apl de ap atbp.
Nangako raw ang mga sikat na artista na tutulong na walang bayad para lamang mas lalo pang mapalago ang tourism industry at mapalago nang tuluyan at maayos na walang corruption.
Well, sana nga ay matigil na ang corruption ng iilang tao nabigyan katungkulan sa gobyerno.
SOLENN MAY PASABOG SA SUSUNOD NA ART EXHIBIT
MAY inihahandang pasabog si Solenn Heussaff sa kanyang susunod na art exhibit.
Masyado raw siyang emotional sa nakaraang niyang exhibit na tinawag na “Kalsada” kung saan ipinakita niya ang iba’t ibang mukha ng street children at iba pang klase ng tao sa Metro Manila. Kaya ang susunod niya ay may tema na personal.
Hangad kasi ni Solenn ay maalagaan at matingnan nang mabuti ang environment ng bansa at kasama na rin ang buong mundo.
“I`m not sure you read my last post (on solenn.ph) about taking care of our country and planet. So I continue my journey and fight for people to wake up and start teaching others about what we can do to help,” say ni Solenn.
Ang next exhibit niya ay tatawaging “What Our Children Might Not See.”
Nangako rin si Solenn na wala siyang ipo-post na anumang artwork via social media dahil gusto niyang masorpresa ang lahat ng kanyang gagawing pasabog na exhibit kapag nagbukas na ito.
Samantala, nakakapag-init ang ginawang wet photo shoot ni Solenn. Grabe ang ganda na kahit bumakat ang maselang parte ng kanyang katawan ay hindi bastos ang dating, lumabas na very wholesome. Kahit siguro nakahubad siya ay lalabas na artistic ang kuha.
Magaling mag-isip ng anggulo at tema ng pictorial si Solenn. Talo pa niya ang mga professional photographer kung mag-isip ng tamang pose at kung anong hitsura para lumabas na maganda at hindi bastos kahit bumakat pa ang maselang parte ng kanyang katawan.
Napanonood pa rin si Solenn sa Bubble Gang every Friday sa GMA 7. Semi-regular siya sa longest running gag show sa telebisyon. Dati siyang regular sa BG pero dahil sa sobrang busy ng kanyang schedule ay hindi kinaya kaya paminsan-minsan na lang siya napapasabak sa pagpapatawa ng BG barkada na sina Michael V, Boy 2 Quizon at mga kapuwa sexy actress na sina Jackie Rice, Andrea Torres, Kim Domingo atbp.
o0o
May special role na si Nadine Lustre sa pelikulang ginagawa ngayon ni James Reid. Kinumpirma ito ng ABS-CBN news base sa naging pahayag na rin ng producer na si Paul Alexel Basinilio.
Ayon pa sa producer, more than a cameo role ang participation ni Nadine sa movie ng ka-loveteam. Gagampanan ni Nadine ang role na Maria Makiling.
Ang deskripsiyon ng producer sa character ni Nadine ay, “someone who can summon elemental spirits from the earth and is close to Mother Nature.”
Ayon pa sa producer, i-introduce bale si Maria Makiling sa movie at pagkatapos ay magkakaroon ng solo film ito slated for 2020.
Nagpahayag din ang director ng movie na si Treb Monteras II na relatable daw ang character ni Nadine as Maria Makiling. Hindi raw ito diwata kundi tao at buhay na buhay.
Comments are closed.